"Kagat"

228 9 0
                                    

'Di makapagsimula
'Di alam ang gagawin
Heto't hawak pa rin ang natatanging sandata
'Di mawari kung ano ang susunod na magaganap.

O sige na't hubarin at alisin
Kung ano mang bumabagabag sa isip
Upang umpisa'y matapos na't marating ang ligaya.

Ano?
Titulo yaring sinusulat
Labas-pasok ang ideya sa utak
'Di makahanap, solusyon sa katanungan.

Salamat sa wakas
Sa tagal nang pagkahiga
Ay mayroon ng pamagat
    sa sinusulat, tapos na!

O kay ganda, "sanggol sa sinapupunan ni Aling Maria",
"O Diego, Diego, magsisimula na"
Mali!, akala ko'y ito na, pasensya na.

Paano ba ito?
Dalawang oras na rito
Sana'y makaisip na
O mister kupido, ilabas na ang pana.

"Tula", "Pluma", "Paggawa"
Ano kaya?
"Walang matigas na ti..."
Ayun!Mukhang maganda
Pak!Pak!'Langyang lamok...
Kinagat ako't ano nga palang pamagat?

By:jericshadesofgrey
written:October 26, 2000

Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon