Matagal-tagal na rin nang tayo'y nagkakilala
Sa isang simpleng ngitian, do'n nagsimula.
Nagkasama't naging magkaibigan
Nahulog ang loob,mga puso'y nagkagustuhan.'Di mawari kung anong tunay na nadarama
Pag-ibig nga ba ito?, o sana nga.
Kung panaginip 'to, ayoko nang magising pa
Baka bangungutin ako't ika'y mawala.Wari ko, ako'y nasa ulap
Kumakanta at lubos ang galak.
Ang hangin ayokong damhin
Baka pag-ibig mo'y ihipa't liparin.'Di naglaon bugso ng damdami'y nagbago
Sa iba ika'y humanga at nagkagusto.
Heto ang puso ko'y lumuluha't nagdurugo
Sa pag-ibig ako'y bigo.Tulad ng dahon, maya't-maya'y matutuyo
Babagsak sa lupa't dali-daling maglalaho.
Sa pagmamahal, kagaya rin nito
'Ba't nagkaganito at kay-agang naglaho.Hanggang ngayon sa'yo pa rin umiibig
Kahit wala na tayo, ikaw pa rin iniisip.
O kabaliwan, puso ko'y lisanin
Upang makapagsimula muli ng bagong mithiin.'Di maintindihan, puso talagang tinamaan
Limutin man kita'y walang paraan.
Nabigo nga't ako'y lubusang nasaktan
Heto pa rin, bulag sa katotohanan.By:jericshadesofgrey
Written:June 6,2000
BINABASA MO ANG
Poetry of Life
PoëziePoems of my life, your life and our life.My original collection of poems that depicts all kinds of emotions.Stories of life's challenges and struggles, happiness and success, love and hatred, and tears and smiles written through verses.Hope you'll l...