Ako'y Maghihintay

168 5 0
                                    

Labis akong umaasa simula nang sa piling ko ika'y lumisan
Wala kang dahilan 'nung ako ay iyong iniwan.
Nagtiwala pa na sa piling ko ika'y magbabalik
Dahil sa iyong yakap at halik, ako pa rin ay nananabik.

Lumipas ang mahabang panahon, mga araw na nagdaan
Pilit winawaglit sa aking alaala ang nakaraan.
Ngunit di magawang itago ng aking damdamin
Dahil sa iyong pag-ibig nananatiling alipin.

Hanggang saan ako sayo'y maghihintay
Umaasang liligaya pa rin ang pusong may lumbay.
Hanggang kailan kita hahanapin
Pinapangako sa sarili ikaw pa rin ang iibigin.

Kahit saan ka man maghihintay pa rin ako
Dahil ikaw pa rin sinisigaw nitong  aking puso.
Sana magbalik ka na sa piling ko
Dahil ikaw lang ang nag-iisang pag-ibig ko.

By:jericshadesofgrey
Written:February 18,2015


Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon