Muli

175 3 0
                                    

Minsan sa aking pag-iisa
mga alaala mo'y sumagi sa aking isipan
'Di maiwasan ang pagpatak ng luha
sa mga matang pinipilit itago ang lungkot.
Sa tuwing maaalala ang sakit na iyong iniwan
'di magawang ngumiti, bagkus nahihirapan.
Sa sandaling bumabalik ang iyong alaala
pintig ng puso'y bumabagal
Umaasa na kahit isang saglit ika'y makita
at nang pangungulila'y mapawi, kahit sandali
Sa bawat paglipas ng panahon
mula nang tayo'y nagkahiwalay at nagkalayo
Ako'y naging alipin at bilanggo
ng lungkot at ng aking pag-iisa
Ninanais na sana'y muling magtagpo
nang gayo'y mapawi ang paghihirap ng puso
Subalit kung tunay na ako'y wala ng halaga
at wala ng puwang sa puso mo
Masakit mang tanggapin ay aking kakayanin
na ang iyong paglisan ay isa na lamang alaala.
Mahirap man ay aking pipilitin
na sa aking pag-iisa ay 'di na luluha
Darating din ang panahon na ako'y liligaya
at tuluyang ika'y makakalimutan
Magiging malaya na at 'di na papaalipin
sa mga alaala mong kay hirap iwaglit.
Pero iyong pakatandaan 'di ako nagsisisi
na ika'y nakilala at nakasama minsan sa aking buhay
Ang aking pagdurusa ay tanda lamang
na ika'y mahal kong tunay.
Sa muling pagtibok ng iyong damdamin
sana'y maging masaya at maligaya
At sa landas na aking tatahakin
sana'y matagpuan hanap ng damdamin
Malapit na , ako'y umaasa
Ang mga sandali ng aking pag-iisa ay maglalaho na
Sa muling bagong buhay,
bagong pag-ibig matatagpuan ko na.

By:jericshadesofgrey
Written:October 5,2008

Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon