7

27 6 0
                                    

"Kanina ka pa tahimik ah? What's wrong?" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Ate Sandy.

"H-ha? Sinong kinakausap mo?" I ask.

Napailing si Joy "Ikaw. Ang tahimik mo. May problema ka no?"

"Oo. Meron talaga" I gave Mia a glare. This girl.

"Wala. Tinatamad lang ako mag salita" i looked away.

"Di mo pa nauubos yung pagkain mo"

"Wala lang akong gana"

"Sabihin mo. Merong problema" si Ate Sandy ang nagsalita.

I played my nails. Nandito pa din kami sa canteen. Torture! Sa katabing lamesa lang pumwesto sila Jiro! Naririnig ko yung tawanan nila! Gosh!

I cover my ears and closed my eyes.

"Ahh alam ko na" boses ni Joy.

I open my eyes and looked at her. Katabi ko si Mia, magkatabi naman si Sandy at Joy.

"Don't worry. Gusto ka din non" inirapan ko si Sandy.

Itinabi ko ang aking pagkain. Tinignan ko si Jiro. Nakangiti sya habang nakatingin kay Carla. Sino ba talagang gusto mo? Ang gulo-gulo mong tao.

I sigh and looked at the girls "Basta you already know it"

"Well. The stupid cupid making you fall inlove again?"

I shrug "I don't know. But i'm scared"

"Takot sa commitment?" Joy asked me.

"Isa na yan sa dahilan"

"Takot maging luhaan ulit?"

Tumango ako kay Mia "Tama. Baka pag sumubok ako. Matalo ulit ako"

"Wag ka na sumubok" tumawa si Sandy.

"Kung pwede lang e. Di mo naman mapipigilan. Kayo nga, bumabalik pa din kayo sa ex nyo kahit ayaw na nila"

Napangisi ako. Pare-parehas silang natigilan "Ang rurupok nyo. At least ako nakamove on na. Kayo? Nakamove on na ba?"

"Marupok" nasabi ko na lang at pinaikot ang aking mga mata.

"Magiging marupok ka din. Tandaan mo yan" Joy gave me a warning sign.

I shrug "I will wait that moment"

I was waiting Ajiro outside of their classroom.

Uwian na. Hinihintay ko lang na matapos sya mag linis. Cleaners daw sila.

"Carla! Pakilock na lang yung pinto ha?"

"Oo Kuya" she looked at me and smile. I try to smile. Para naman hindi mag mukhang masama.

"Tara" sinundan ko sya.

Bigla akong napahinto ng may marealize ako "T-teka. Bakit pa tayo lalayo? Ibibigay ko lang naman yung damit mo ah?"

Napahinto sya at tumingin sa akin "Oo nga no? Akin na" inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko.

Agad kong binuksan ang aking bag at hinanap ang kanyang mga gamit. Nanginginig pa ako nung kinukuha yon. Mahigpit ko pa yung hinawakan bago ibinigay sa kanya.

"I-ito" hindi ko inalis sa kanya ang mga titig ko.

Nakangiti nya yong tinanggap "Akala ko hindi mo na ibibigay e" tumawa sya.

Wala nga sana akong balak.

"Pasensya na. Ngayon ko lang naibalik" i looked away.

"Huy. Bakit parang malungkot ka?" He held my face.

To Love Again (Teen Series #2) |Completed|Where stories live. Discover now