Chapter 6: Mrs. Landinya

111 8 0
                                    

 Happy 1K reads po :))

Chapter 6

          Mrs. Landinya

[Laila's POV (Mother of Lindsei)]

Naaawa na ako sa anak ko. Siya lang ang nakita kong nagiging buang kapag broken. Alam na namin- sinabi na sa amin nung dalawang bestfriend niya.

Today is Monday pero mula nung gabing yun hindi na siya lumalabas ng kwarto niya. Pinapa-akyatan ko na lang siya sa kapatid niya ng pagkain. Pero pagbaba ni Lindon konti lang ang nabawas. Kalahati ng plato ubos ang ulam.

Hay naku ang anak ko nga naman ang mana sa nanay, kaya kampanteng kampante ako na hindi mangangayayat yan.

Ui. Anong oras na ba magluluto pa ako ng kakainin namin. Gusto ko kasing ako ang nagluluto ng kakainin namim sa umaga para ㅡ wala lang gusto ko lang. Para hindi parating si Manang ng si Manang ang nasa kitchen.

♪ You know what to do with the big fat butt♪

Calling . . . Alaina . . .

"Hello anak 'bat napatawag ka?"

[Ma malapit na akong umuwi!!] Nilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Kahit kailan ang ingay talaga nitong panganay ko na 'to.

"Good kailan ba?"

[Secret, aa sige ma 6:30 na malapit na time ko bye] then she hung up.

Call ended . . .

Bumaba na ako then nagluto. Bacon and tocino lang ang niluto ko. Mayaㅡmaya bumaba na rin sila except kay Sei-Sei.

"Ma dadalhan ko ba ng pagkain si Ate?" Tanong ni Lindon.

"Hindi na, magli-leave muna ako ngayon, ako ang magpapakain sa kanya"

[3rd Person POV]

Falling In-love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon