Chapter 3: Wondering
Britney's P. O. V
MAAGA AKONG nagising dahil nakaramdam ako ng kakaiba sa aking pagitan. Napabuntong hininga ako nang maramdaman kong parang may malagkit sa akin. Mabilis akong bumangon sa kama at saka ako dumiretso sa banyo.
Naghubad agad ako saka ako naligo. Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya sa katawan at nakabalot sa buhok ko ang isa pang tuwalya.
Papasok na sana ulit ako sa k'warto nang may kumatok sa pintuan ng apartment. Kumunot agad ang noo ko, sa isipin na baka si Emelia 'yon ang land lady ng apartment ay mabilis ko agad na binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang matipunong lalaki at tumambad sa akin si Luxary Navarro.
Ano'ng ginagawa niya rito?
"Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.
Tiningnan niya muna ako bago dumako ang tingin niya sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko. May dumaan na kung anong emosyon sa kaniyang mata.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit kong tanong sa mariin na boses.
Tumikhim muna siya bago siya sumagot sa akin.
"A-ahh . . . sinusundo ka," aniya.
Kumunot naman agad ang noo ko sa pagtataka.
"Bakit?" takang tanong ko.
"'Di ba may trabaho ka pa sa bar?"
"Mamaya pang gabi ang trabaho ko sa bar," sagot ko.
Masyado siyang maaga para sunduin ako. Kakagising ko lang at wala pangkain, mamayang 7:00 PM ang trabaho ko sa bar kaya nakakapagtaka talaga kung bakit ang aga niya. Akala ko ay hindi siya seryoso sa sinabi niya kagabi dahil akala ko ay lasing na rin siya sa mga oras na 'yon at saka 'yong mga lalaki sa bar ay puro mabubulaklak lang sa salita kulang sa gawa. Bukod tanging si Luxary lang ang nakagawa nito. Gusto kong matawa pero wala pa rin ako sa mood at ayokong isipin niya na close na kami.
"G-gano'n ba?" utal niyang tanong dahil siguro sa hiya.
"Masyado kang maaga para sunduin ako," nakangiwing sabi ko sa kaniya.
Wala ba siyang trabaho at ako ang iniintindi niya. Napailing na lang ako.
"Wala ka bang trabaho at ako ang iniistorbo mo kay aga-aga?" masungit kong tanong.
"Mayroon," mahina niyang tugon at kumamot pa sa batok.
"Mayroon naman pala e, bakit ako ang iniistorbo mo?"
"Akala ko kasi . . . ahm, nevermind. Aalis na lang ako."
Tumalikod na siya sa akin at balak na niyang umalis dahil sa hiyang naramdaman. Napapikit ako ng mariin nang makaramdam ako na parang gusto siyang papasukin sa apartment at ayain siyang kumain dahil paniguradong hindi pa siya kumakain dahil sa maaga niyang pang-iistorbo sa akin. At bakit parang kasalanan ko pa at obligasyon kong pakainin siya?
"S-sandali," pagpapatigil ko sa kaniya.
Tumigil naman siya sa paghakbang bago ulit siya humarap sa akin.
"Kumain ka na ba?" mariin kong tanong.
Umiling lang siya.
Bumuntong hininga ako.
"Tara. Pumasok ka muna," wika ko at nilakihan ang bukas ng pinto.
Pumasok naman siya sa loob. Hinarap ko siya.
"Dito ka muna," sabay turo sa sofa. "Mag bibihis lang ako."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at iniwan na siya doon sa sofa. Mabilis akong pumasok sa kwarto at napahawak agad sa dibdib ko. Bakit ang bilis na naman ng puso ko na parang nakikipagkarera?
Mabilis akong nagbihis bago ulit lumabas sa kwarto at naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko. Nakakapanibago lang na may bisita ako dito sa apartment este bwisita pala.
"Ano ba kaseng ginagawa mo dito aside from susunduin." Tanong ko sa kaniya nang makalapit ako.
"Just for your safety," ulit niyang dahilan.
"Paulit-ulit na lang 'yang dahilan mo. For my safety. Ang tanong, safe ba ako sa'yo? Ang pagkakaalala ko kasi . . . kinuha mo ang kahinaan ko para makuha mo ang loob ko at para tuluyang bumigay sa'yo," sarcastic kong sabi.
"Pero bumigay ka naman sa akin so, what's the big deal? Ang akin lang, gusto ko ay ligtas kang papasok sa bar at kapag uuwi ka rito sa apartment mo," paliwanag niya.
"Mr. Navarro, mawalang galang na. Pero wala ka ng pakialam sa akin at mas lalong hindi mo ako kargo para ihatid at sunduin pa ako rito sa apartment. First night lang tayo nagkakilala kaya 'wag kang umasta na parang akala mo ay boyfriend kita," inis kong hayag.
"Then be my girlfriend," seryosong sabi niya.
Halos mabingi ako sa sinabi niyang 'yon sa akin. Napatawa ako ng mahina, hanggang sa lumakas.
"Hindi ko alam na magaling ka rin pala magbiro? P'wes! Hindi nakakatuwa at mas lalong hindi nakakatawa ang biro mo," mariin kong sabi at bigla akong sumeryoso.
"Do you think that I'm just joking around?" seryoso rin niyang tanong sa akin at tinitigan niya ako ng malalim sa mga mata.
Ilang segundo lang 'yon dahil mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil hindi ko kinaya. Sa sobrang lalim hindi ko na kaya pang languyin.
"Ano ba sa'yo ang isang relasyon? Sa tingin mo ba, isang laro lang na p'wede kang sumubok dahil gusto mo lang? Dahil may makukuha ka? Tapos ano? Kapag nag-sawa ka na, iba naman ang lalaruin mo?" malalim kong tanong. "'Wag mo na akong tatanungin ng ganiyan, dahil kahit ilang ulit mo pa akong tanungin at kulitin. Hindi ako magpapauto sa'yo."
Bumaling ako sa kaniya at kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya. Mukha siyang nagtitimpi sa hitsura niya ngayon. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o dahil sa tinanggihan ko siya.
Huminga siya ng malalim
"Ikaw pa lang ang nakagawa nito sa akin," panimula niya. "Ang tanggihan ako, bago lang sa akin 'to. Hindi ako sanay," napahilamos siya ng mukha gamit ang palad niya.
"Ngayong, masanay ka na," nakangisi kong sabi sa kaniya. "Aalis ka na ba o magkakape ka muna? Pampagising lang," pang-aasar ko.
Ngumisi siya sa akin na parang nakikipaglaro. Alam ko na ang mga galawan ng mga lalaki sa bar, kaya hindi na mahirap sa akin na patumbahin ang ego nito.
"Magkakape muna ako, baka sakaling makape-ling kita." Seryoso niyang sabi habang naghihintay sa magiging reaksyon ko.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ano 'yon?! Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa braso kaya nagmadali akong umalis sa harapan niya at pumuntang kusina para ipagtimpla siya ng kape.
-CS
BINABASA MO ANG
My Husband's Temptation (Affection Series #2)
RomanceLuxary Navarro is a business man. MATURED CONTENT | SPG | R-18 | [ON-GOING] Started: 2021 Finished: GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy niya ang pagiging binata ngunit pinipilit siya ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng business partne...