Chapter 7: Bus
NANG makasakay kami ng bus ay napa buntong hininga ako. Pahirapan pa rin talaga ang pagsakay sa bus at talagang laging punuan.
Nakatayo kami ni Lux sa bus dahil wala ng p'westo sa ibang upuan. Napatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa akin.
"Sigurado ka bang sasama ka?" nakangiwi kong tanong sa kaniya.
Paniguradong first time niyang mag-commute dahil ano pa nga ba ang aasahan ko sa mayamang 'to.
Ngumiti siya sa akin. "Oo naman."
"Ayos ka lang bang nakatayo--"
"Sanay na ako."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"S-sanay ka nang sumakay rito sa bus?" taka at gulat kong tanong.
"Oo, no'ng high school kami ay lagi kaming nag cu-cutting ng mga kaibigan ko pati na rin ng best friend ko para lang maglatagaw," k'wento niya.
Napailing naman ako sa k'wento niya. "Ibig sabihin hindi mo first time makasakay sa bus?"
"Oo naman, nag-rent pa nga kami ng tricycle no'n para mag-roadtrip para naman bago. Lagi na lang kasing kotse e,"
"E, sa jeep?"
"Oo rin, favorite spot ko sa bandang likod ng jeepney driver para sa akin i-abot 'yong mga bayad ng mga pasahero. Naka-dek'wat na nga rin ako sa mga binabayad nila tapos nakapag 123 na rin ako kasi wala akong barya no'n. Lagi kasing sinasabi ng driver 'barya lang po sa umaga' tapos may signage pang nakalagay sa jeep."
"Proud ka pa sa mga pinaggagawa mo noon," naiiling kong sabi.
"Medyo, experience rin kasi."
"Alam mo bang pagnanakaw na rin 'yong ginawa mo?"
"Hindi ah, kasi alam naman ng driver at saka binayaran ko rin siya no'n. Lagi kasi akong nasakay sa jeep niya, minsan nga libre na lang ang pagsakay ko."
"Ay wow close kayo ng driver?" sarcastic kong tanong.
"Oo, kasi pogi raw ako kaya libre na lang."
"Kapal," inirapan ko siya sa huling sinabi niya.
"Totoo naman."
"Ewan ko sa'yo, Mr. Navarro."
Mas lalong nag gitgitan ang mga tao sa bus nang lumiko ito. Naiipit na rin kami ni Luxary sa mga tao. Napaaray ako nang maipit ako sa matabang katabi ko. Grabe ang asim din ng lalaking 'to kaya hindi ko kinaya 'yong amoy.
Hinila ako ni Lux palapit sa kaniya para ma-protektahan sa mga taong nag gigitgitan. Sumubsob ako sa kaniya nang palihim para hindi ko na maamoy ang 'di kaaya-ayang amoy ng lalaking mataba.
Napa singhot-singhot ako dahil sobrang bango ni Luxary. Putek na 'yan! Bigla akong nahiya sa amoy ko at baka 'di rin kaaya-aya, pero mas grabe naman 'yong katabi ko kanina. Parang gusto ko na lang mahimatay. Hindi niya ba naaamoy 'yong sarili niya? Bakit hindi man lang siya mag-deodorant?
Nag-angat ako ng tingin kay Lux na nakatingin din pala sa ginagawa ko.
"Mabango?" tanong niya.
Bigla akong namula sa tanong niya. Ngumisi siya sa akin kaya napalunok ako.
"Mabango ka rin."
Napasubsob ako sa dibdib niya dahil sa hiyang nararamdaman ko. Ramdam ko ang maliliit niyang pagtawa.
"Bakit ka ba tumatawa?!" Tanong ko sa kaniya habang nakasubsob pa rin sa dibdib niya.
"Wala lang, ang cute kasi ng reaksyon mo."
BINABASA MO ANG
My Husband's Temptation (Affection Series #2)
RomanceLuxary Navarro is a business man. MATURED CONTENT | SPG | R-18 | [ON-GOING] Started: 2021 Finished: GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy niya ang pagiging binata ngunit pinipilit siya ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng business partne...