Chapter 14

19 2 0
                                    

Chapter 14: Date

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐃 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐄 | 𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐏𝐆! | 𝐑-18 |

𝚁𝙴𝙰𝙳 𝙰𝚃 𝚈𝙾𝚄𝚁 𝙾𝚆𝙽 𝚁𝙸𝚂𝙺!

KINABUKASAN day off ko ngayon at makakapag pahinga na rin ako ng matiwasay.

Gusto ko na lang matulog magdamag at sulitin ang araw na ito para sa sariling oras pero mukhang hindi na ata 'yon matutuloy dahil nandito na naman ang lokong Luxary.

Walang gana kong binuksan ang pintuan at hindi nga ako nagkamali. Si Luxary nga ang kumakatok na may ngiti agad sa labi na bumungad sa akin.

Binigyan ko lang siya ng 'Ano na namang ginagawa mo rito?' look.

Mas lalo pa siyang ngumiti na halos mapunit na ang labi sa kakangiti. Humingi pa siya ng permiso na papasok sa loob ng apartment ko.

Huminga ako ng malalim at sumusukong binuksan ng malaki ang pintuan para makapasok siya. Agad naman siyang pumasok at talagang naupo agad siya sa sofa kahit wala pa naman akong sinasabi.

Napailing na lang ako at isinara na lang ang pintuan bago ko ulit siya hinarap at sa pagkakataong 'yon ay tinanong ko na siya ng diretso.

"Ano na naman bang ginagawa mo rito, Luxary?"

"Binibisita ka."

"Wala akong sakit, hindi mo ako kailangang bisitahin," sarcastic kong saad.

"May sinabi ba akong may sakit ka?" pamimilosopo niya.

"Bakit, may sinabi rin ba akong pumunta ka rito?" sarcastic kong balik sa kaniya.

"Wala, pero masama bang bisitahin ang babaeng gusto ko?"

At doon na ako natahimik. Napatingin na siya sa akin at ang loko ay ngumisi pa nang nakakaasar.

"Nginingisi-ngisi mo r'yan?"

Ngumiti siya sa akin na labas ang mapuputi niyang ngipin.

Umiling siya bago sumagot. "Gusto mo na rin ba ako?" panunudyo niya.

"Luh? Asa ka!"

Saka ko siya iniwan sa sala para ipagtimpla siya ng kape sa kusina na sinundan naman niya ako.

"Pa-kape ulit ako."

"Ano pa nga ba? Pumupunta ka lang ata rito para sa kape e."

"Oo naman, bukod sa kape. Ang ma-kape-ling ka ay mas masarap."

"Kilabutan ka naman sa mga pinagsasabi mo, nakakakilabot!"

Pinakita ko pa sa kaniya ang braso ko na nagsitaasan ang mga balahibo.

"Corny ba?"

"'Wag ka na magtanong, alam mo na ang sagot d'yan."

"Hays, grabe ka naman sa akin. Kailan ka ba kikiligin sa mga banat ko? Lagi na lang akong basag pagdating sa'yo."

My Husband's Temptation (Affection Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon