My Pervert husband is a boss (Affection Series #1) [COMPLETED]
...
Chapter 13: Gentleman
ISANG linggo na ang lumipas at balik na ulit kami sa trabaho rito sa Manila. Abala na ulit ako sa paghahalo ng alak dito sa bar. Isang araw na rin na walang paramdam si Luxary at kung hindi ako nagkakamali ay nagkaroon ng problema sa kompanya nila kaya agaran niyang inasikaso. Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko dahil nasanay agad ako sa kakulitan niya. 'Di ko man aminin pero alam ko sa sarili ko na na-mi-miss ko na agad ang presensya niya lalo na ang kakulitan niya sa akin.
Habang nag-se-serve ako ng mga alak ay hindi ko rin mapigilang hindi siya sumagi sa isip ko lalo na kapag ang paborito niyang alak ang sine-serve ko sa costumer. Mukhang nagkamali ako na mapipigilan ko pa ang sarili ko na hindi mahulog sa isang Luxary Navarro. Tulad na lang ngayon, naiisip ko na naman siya at mukhang malala na ako. Delikado na yata ako, kaya nailing na lang ako at pinilit ko ang sarili ko na alisin siya sa isip ko at mag-focus na lang sa trabaho.
Ilang oras na rin ang lumipas at mag-sasarado na rin ang bar. Mukhang 'di na rin pupunta rito si Lux. Tinagilid ko ang ulo ko sa isiping bakit naman siya pupunta rito e, busy nga ang taong 'yon at alam ko naman na nagkaroon ng problema sa kompanya nila ayon sa narinig ko no'ng araw na 'yon na may kausap siya sa cell phone at mukhang ang Daddy niya ang kausap niya no'ng araw na 'yon.
Tahimik na lang ako na naghahalo ng alak nang may tumikhim sa harapan ko kaya napatingala ako sa nagmamay-ari ng tikhim na 'yon at walang iba kundi ang boss namin na si Sir Liam.
"Bakit naman ang lungkot ng mukha ng Neyney na 'yan?" tanong sa akin ni Sir.
Si Sir Liam lang ang tumatawag sa akin ng Neyney at ayaw niyang may tumatawag pa sa akin ng gano'n dahil gusto niya ay siya lang ang tumatawag sa akin ng Neyney. Last time nga na may tumawag sa akin ng Neyney na kapwa ko ring empleyado rito sa bar ay tinanggal niya dahil lang sa pagtawag sa akin no'n.
OA man pakinggan pero tanggap ko ang pagiging weird ni Sir. Isa rin siya sa mga kaibigan ko, hindi nga lang halata. Minsan nga pinagkakamalan kaming mag-boyfriend at girlfriend. Minsan naman napag-iisipan ng ibang mga empleyado na may something sa pagitan namin ni Sir Liam. Hindi lang nila alam na gano'n lang makitungo si Sir sa mga kaibigan niya. Nilinaw na rin naman niya ang tungkol doon at tama lang din naman ako. Hindi ko rin naman binibigyan ng kahulugan ang mga 'yon.
Ang pagiging caring niya ay normal lang sa magka-kaibigan. Madalas din naman kaming nag-aasaran at normal lang din naman 'yon. Kung minsan ay binibigyan niya ako ng advice kapag may problema ako o kaya naman ay kapag hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nand'yan siya palagi para tulungan ako. Kapag nandito kami sa bar, Sir Liam ang tawag ko sa kaniya at kapag wala naman kami sa bar ay Yamyam ang tawag ko sa kaniya. Malaki pa rin ang respeto ko kay Sir Liam kahit na kaibigan ko siya. Boss ko pa rin siya kahit baliktarin man ang mundo at nagpapasalamat din ako sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako rito sa bar para magtrabaho.
Dahil sa kaniya, kaya nakakatulong ako sa pamilya ko ngayon. Dahil sa kaniya kung bakit mayroon akong trabaho ngayon. Nang dahil sa kaniya mayroon akong kinikita ngayon at dahil din sa kaniyang kung bakit ko siya naging kaibigan ngayon.
"Wala naman."
"Sino'ng niloko mo? Kilala kita Neyney kaya 'wag mo nang ikaila sa akin 'yang bumabagabag sa'yo."
Napabuntong hininga ako at itinigil ang ginagawa. Tumingin ako sa kaniya at seryosong nagsalita.
"What if, magkagusto ako sa taong kakakilala ko pa lang?"
BINABASA MO ANG
My Husband's Temptation (Affection Series #2)
RomanceLuxary Navarro is a business man. MATURED CONTENT | SPG | R-18 | [ON-GOING] Started: 2021 Finished: GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy niya ang pagiging binata ngunit pinipilit siya ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng business partne...