I

12 2 0
                                    

I

KAHAPONG NAGDAAN

Sa bayan ng Marikina,
Nakatira ang gwapo't  matalinong si Allah;
Galaw niya'y nakaka akit,
At ang mga mata niyang singkit.

Makisig kung ituring,
Wala nang hihilingin,
Dahil sa kaniya'y wala nang maihahambing,
Tunay nga'ng talino't angking galing.

Matinik at lapitin sa mga babae,
Kapag nakaharap mo siya'y wala kang masasabi,
Tangkad niyang mala-higante,
At ugat  sa mga kamay niya'y nakakawili.

Laging aktibo sa klase,
Maging sa mga aktibidad sa iskuwela'y nakikisali;
At darating ang pagpaparangal,
At siya'y nag-uuwi ng napakaraming medalya.

Sa bayan rin ng Marikina,
May nakatirang babaeng marikit na napakaganda,
Buhok niyang napakahaba,
At mga ngiti niyang nakakalula.

Ngalan niya'y Ayessiah,
Sa kanilang paaralan siya'y hinahangaan,
Napakaganda nang kaniyang buhay,
Maging sa kaniyang ugaling taglay.

Isang araw ang lumipas,
Ang dalawa'y tila pinagtagpo ni tadhana,
Puso ni Allah'y nahulog kay Ayessiah,
At sa 'di mawaring kadahilanan.

Nagkakilanlan ang dalawa,
Lumipas pa'ng mga araw na kay ganda,
Hanggang silang dalawa'y nahulog na nga,
Sa pagkakaibigan nauwi na sa pag-iibigan.

Si Ayessiah'y nasa ika-sampung baitang,
Habang si Allah'y nasa ika-siyam pa lamang;
Agwat man ang distansya,
Ngunit 'di ito naging hadlang para sa kanila.

Lumipas pa'ng mga araw,
At ang balintataw ay natatanaw,
Mga kakuluwa'y napupukaw,
Mananatili pa rin bang ikaw?

Saya at puno ng ligaya,
Mga alaala ng isa't isa,
Ay walang katumbas na pera,
Dahil sa mga alaala sila'y masaya.

Naging maayos ang lahat,
Walang problema,
Gaya pa rin ng dati,
Wala pa rin' ipinagbago 'to.

Sa mga malalapit na kaibigan,
Silang kasa-kasama't sandalan,
Maging sa kasiyahan,
At pati na rin sa kalungkutan.

Tila ba wala nang hadlang na darating,
Wala nang pagsubok na parating,
Ilang buwan na ang nakakalipas,
Nananatiling matatag ang kanilang samahan.

At dumating ang araw na may paligsahan,
Hindi akalaang silang dalawa ang magtutunggalian,
Sa labanan ng utak at bigkasan,
Sa tingin mo'y sinong aangat sa kanilang dalawa?

Buwan ng wika ang programa,
At 'di akalaing sila ang isasabak,
Hindi alam ang gagawin nang dalawa,
Sa balagtasanan na wala silang kaalam-alam.

Napilitan silang umakyat sa entablado,
Nang may ngiti sa kanilang mga labi,
Na kahit ano na ang gagawin kung maaari,
Susubukan nila sa abot nang kanilang galing.

At dumating na ang taga paghusga,
Kay raming estudyanteng manonood,
Idinaan nalang sa tawa ng dalawang nag-iibigan,
Na kahit sa balagtasang 'di nila inaasahan.

Nagsalita na ang ,
Ibinigay na'ng paksa,
Kasabay ng ____  na nagpalitan ng mga palakpak,
At ang paksa'y pag-ibig.

Ano nga ba'ng mas matimbang,
Ang Lumaban sa una, ngunit sumuko sa huli,
O ang Sumuko sa una subalit lumaban sa huli,
At wala ng pag-aatubili dahil lahat na sila'y nawiwili.

KAHAPONG NAGDAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon