V

7 1 0
                                    

                                                                                                       V

Ilang araw walang paramdam,
Ilang araw na siya'y 'di ko nasilayan,
Nikan anino niya'y wala na,
Pati ang mapanghibog niyang mga mata.

Pinalipas ko pa'ng mga hapong nagdaan,
Tila ba'y wala ng Ayessiah' makita,
Sa sulok man rito o roon,
Saan nga ba siya nagtungo?

Bigo ako sa'n man magpunta,
Pumapapatak na yaong mga luha,
Tuhod na nanginginig na sa sama,
At aking balikat na pagod na.

Nasa'n ka na ba,
Irog kong Ayessiah,
Sa'n ka ba nagpupunta,
Nawa'y magpakita ka na.

Sa totoo lang,
Miss na miss ko na siya,
Nais ko nang makita,
Saya sa kaniyang mukha.

Namimiss ko na siyang kasa-kasama,
Mula Hapon man o umaga,
Gusto ko na siyang kausapin,
At bigyan ng masarap na yakap.

Hindi ko maipaliwanag,
Kaba. Saya. Lugkot.
Nakapagisip-isip na'ko,
Napatawad ko na'ng sarili ko.

Panahon na upang bumalik ako.
Sa poder niyang mapag-aruga,
Laging masaya,
At walang hihigit sa kaniya.

Pinagsisihan ko na,
Lahat nang aking nagawa,
Lahat nang aking pagkakasala,
Nawa'y ako'y mapatawad niya.

Ako'y nagtungo,
At pasado alas sais impunto,
Naglalakd na tuliro,
Ewan kung sa'n ko mahahanap 'to

Ako'y dumaan,
Sa aming paboritong tambayan,
Kay sayang lugar,
Sa may PAITAN.

At sa'king paglalakad,
Isang pamilyar na pabango'ng aking nadama,
Isang boses na masaya,
Na agad kong inikot sa'king mata.

KAHAPONG NAGDAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon