IV

5 1 0
                                    

IV

Pauwi na'ko galing iskuwelahan,
Balisa't wala sa katinuan,
Naglulupasay na ang mga paang masakit,
At lumalakad maging pilit.

Nang ako'y harangin,
Mga sigang tambay sa'min,
May dalang dospordos,
Mukhang tatama sa mukha ko.

Ako nga'y nabugbog,
Pasa at galos ang natamo,
Bugbog sarado man ako,
Ngunit ako'y nanlaban para sa sarili ko.

Duguan ang aking labi,
At kalungkutan sa mata'y 'di maikubli,
Bakit gan'to ang ginawa sa'kin,
Kaya't luha ko'y lasa ng asin.

Ako'y nasermonan,
Bungangang inaasam,
Nanggaling nga kay Ina,
At nilinis ang sugat na nakuha.

Masakit nga ang sugat,
Ngunit para akong manhid na natulala,
Nang siya'y akin na namang naalala,
Wala ng sasakit pa sa ginawa ko sa kaniya.

Kumusta na kaya siya?
Ayos na ba siya?
Nawa'y masaya na siya,
Deserve niya ang lumigaya sa iba.

Ilang taon na'ng lumipas,
Kay bilis ng oras,
At tinatahak ko'ng aking landas,
Sa mali ba o tama?

Hindi pa rin nakaka bangon,
Mula sa sugat ng kahapon,
Pinipilit magpakatatag,
Upang mabuhay sa araw-araw.

Ngunit ako yata'y nagpakiwara,
Gumawa ng anong kalokohan,
Sa basagan man ng bote sa kalye,
At guidance sa may iskuwelahan.

KAHAPONG NAGDAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon