II

9 1 0
                                    


                                                                                                        II    

KAHAPONG NAGDAAN

Pagkatapos ng paligsahan,
Ating napag-isipan,
Pumaroon sa may kainan,
Upang magdiwang sa natamo nating kagalakan.

Nang tayo nga'y pumaroon,
Kumain ng paborito mong adobo,
At ang paborito kong igado;
At 'di namalayan oras sa impunto.

Sa pagpatak ng alas sais impunto,
Para bang oras ay bumabagal ang takbo,
Ngunit ito'y ating pagaakala,
Dahil rito tayo'y ginabi na pala.

Sabay tayong umuwi,
Walang pakialam kahit pa gabi,
Basta't tayo'y magkasama,
Kuwentuhan sa daan kahit muntik hinabol ng aso sa kalsada.

Tayo'y dumaan sa may Paitan,
Nagsasayaw ka nalang bigla,
At sinabayan naman ang indak mong 'di nakakasawa;
Kahit pa sa daa'y magmukha na tayong mga tanga.

Hinatid pa kita sa'nyo ,
Na kahit kalayuan ma'y metro
Ayos lang sa'kin 'to,
Dahil siya ang naging minamahal ko.

At ako na nga'y umuwi,
Na 'di maalis sa'king mga labi,
Ang saya at aking ngiti,
Na 'di ko maikubli.

Alas dyis impunto na,
Oras na upang ako'y mamahinga,
Sa aking kay lambot na kama,
Para sa bukas na namang kay ganda.

Kay lamig na ihip ng hangin,
Ang siyang gumising sa'kin,
Ako'y nabulantang,
Dahil sa lamig na aking nadama.

Pagkatapos kong maghanda,
Ako'y lumabas na,
Naghintay ng masasakyan,
Upang sa paaralan ako'y makarating na.

Suwete ng aking umaga,
Sapagkat si Ayessia ang aking nakita,
Sumabay papunta iskuwela,
Na siyang aking ikinasaya.

Napakaganda niya,
Araw man o umaga,
Walang kupas na taglay,
Nang marikit kong sinisinta.

Hello mahal ang kaniyang bati,
At sabay pisil sa'king pisngi,
Ako'y natulala,
At bigla ko nalang siyang hinalikan bigla.

At pagkatapos niyan,
Palo sa braso aking natamo,
Napakasakit naman nito,
Pero ito'y ikinagagalak ko.

Pagkababa namin sa trycicle,
Nagbigay kami ng pamasahe,
At binigyan kami ng sukli,
At kamay nami'y nagtuus muli.

Humawak ka sa kamay ko,
At tayo'y papasok na irog ko,
Galingan natin mamaya,
Huwag kang tatanga tanga.

Kahit kaila'y ganiyan ka pa rin,
Mapanakit kang hayup ka,
Mabuti pa ngang pumasok ka na,
Saad niya sa'king nakatulala.

At ako'y nagtungo na nga,
Sa'king silid na tulala,
At ako'y nabigla,
May bagong miyembro ng aming klase pala.

Kumaripas ako ng takbo,
Kung sa'n naro'n ang upuan ko,
Hindi ako napansin nang guro,
Na ako'y nahuli sa kaniyang klase.

Ipinakilala nga nang guro,
Ang kay ganda't maputi na'to,
Ngalan niya'y Alexia,
Matalino at kay ganda.

Ewan ko kung bakit ako natulala,
Tinititigan ang wangis niyang kakaiba,
Ngayon ko lang nasilayan,
Ang gan'tong kagandahan.

KAHAPONG NAGDAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon