Prologue

8 3 0
                                    

" hi, gusto mo nito" saad ng isang babaeng may pulang balabal sa kaniyang leeg. Saglit kong tinitigan ang sneakers na nasa kaniyang kamay. 

"ayaw mo ba nito? okay.." dahan dahan niyang ibinalik ang sneakers sa bulsa hindi ko tinangap ang kaniyang ibinibigay saakin dahil sinabi sakin ng mama ko na hindi dapat ako tumatangap ng kahit na ano na galing sa ibang tao. Umupo ako sa isang mahabang upuan habang hinihintay sila mama at papa. 

'asan na nga ba sila? bat ang tagal nila' 

"asan ang mga magulang mo bat nagiisa ka dito??" tanung niya ulit saakin. Hindi ko siya pinansin tumingin sa ibang direksyon. Umupo siya sa tabi ko kaya napausog ako bigla at nakakaramdam na ako ng takot. 

"oh.. hindi ako masamang tao iha, wag kang matakot sakin" saad ng babae habang nakangiti sa harap ko

"p-pero.. si-sino po ba kayo?" utal utal kong sabi sakaniya. 

inilahad naman niya ang kamay niya sakin habang nakangiti pa rin 

"ahh ako nga pala si Felices ikaw? anong pangalan mo?" tanong niya , 

nakipagkamay ako sakaniya at sinabi ko ang pangalan ko. 

"Amory po" saad ko

"mm.. apaka ganda naman ng pangalan mo" bati niya sakin napangiti naman ako sinabi niya

"so asan ang mga magulang mo bat nagiisa ka ?" tanung niya ulit, napalingon naman ako sa kaliwa't kanan at nagbabakasaling mahanap ng mga mata ko sila mama at papa.Ngunit hindi ko sila matanaw. 

"ahmm may binibili lang po sila , dito po ako pinapahintay nila mama at papa" usal ko. 

muli niyang inilabas ang sneakers na ibinibigay niya sakin kanina , tiningnan ko iyong mabuti at naglalaway ako habang nakatingin sa chocolate na yun. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na kinuha ang sneakers sa kamay, napansin kong natuwa ang babae sa pagtangap ko ng ibinigay niya. 

Dahan dahan niyang hinaplos ang ulo at nilalaro niya ang mahabang buhok, hinayaan ko lang siyang gawin yun dahil mabait naman siya. 

" katulad ka din ng anak ko , gusto niya din ang pagkain na yan" saad niya habang hinahaplos ang buhok ko sa likod. 

"ahmm.. masarap naman po kasi ito" saad ko sabay ngiti sakaniya

"hahaha may chocalate ka na sa ngipin mo" tumatawang sabi ng babae. 

"asan po yung anak niyo?" saad ko 

"nasa bahay gusto mo ba siyang makita ?" agad na tugon ng babae

"opo , siguro kasing ganda mo rin siya at sympre mabait" nakangiti kong sabi

"oo maganda at mabait siya katulad ko" saad ng babae. 


DrapetomaniaWhere stories live. Discover now