Chapter 7

3 0 0
                                    


Slyvlian Pov

Pagkatapos umalis ni Reveka ay nanatili ako sa cafeteria at naghihintay kay Manus lumabas, gusto ko siyang tadyakan sa ginawa niya kayang kayang bangasan ng malupet ni hallux an isang katulad niya , dahil lang sa babaeng yan. 

Nakatitig ako sa mukha ni Manus habang hawak hawak niya ang kamay ni Felices pasimpleng pinagmasdan ko din si Felices hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon , hindi siya mapirmi sa isang lalaki napaka higad ng babaeng to ang kati kati niya. 

Eto namang lalaking to tanga tangahan naman. Hindi niya napapansin na pinaglalaruan lang siya ni Felices ginagamit lang siya niyan para pagselosin si Hallux. 

Paano ko nalaman?

Nung nakaraang araw, habang papunta ako sa library ay nakita ko silang dalawa , si Felices at hallux na naguusap sa isang iskinita. 

Hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan nilang dalawa at makitang umiiyak si Felices habang nagmamakaawa kay Hallux. 

Felices: honeybunch wag mo naman gawin to sakin oh.. 

naiiyak na saad niya 

Hallux: what do you mean?? ikaw ang gumawa sa sarili mo niyan , wag mong isisi sakin ang mga pagkakamali mo. 

ramdam ko ang galit ni Hallux sa tono pa lang ng pananalita niya

Hallux: ilang beses mo nang ginawa sakin yan pero hindi ka pa din nagbabago. Niloko mo akong mayaman ka , pero hindi ko pinansin yun at wala namna sakin yun kung mahirap ka ba o mayaman ka ... kasi mahal kita . Niloko mo ako nung sinabi mong pupunta ka ng mall kasama kaibigan mo pero sino yung nakita ko? lalaki !!!.. Lalaki felices at walang hiya ka pa talaga naghalikan pa kayo sa harap ng madaming tao. kitang kita ko yun. 

Nagpatuloy lang si Hallux sa pagsasalita habang si Felices naman ay iyak lang naigawa. 

Felices: sorry.. so..sorryy 

utal utal na saad niya 

Hallux: pagod na ako Felices.. ubos na ubos na

Naramdaman ko ang mga ilang hakbang ni Hallux palabas ng eskinita kaya dali dali akong nagtago sa gilid. 

pero bago pa man siya makalabas ay may sinabi si Felices na ikinatigil niya

Felices: "buntis ako!!!!!!!!!!" 

malakas na sigaw ni Felices 

at hangang duon nalang ang narinig ko kasi saktong tumunog na din ang bell. Hindi ko kayang malate sa next class ko para marinig lang ang lovestory lines nila na kay badoy at wala man lang thrill akong nararamdaman. 

At kung totoong buntis si Felices, possible n si Hallux ang ama pero bakit nandito siya ngayon sa harap ni Manus. 

'no way... si ... Manus ba ang ama??'

or maybe.. ginawa lang  ni Felices na buntis siya para hindi sila magkahiwalay ni Hallux at para pagselosin siya gamit si Manus. 

sa sobrang dami nang binabasa kong romance gumagawa na ako sa sarili ko nang plot sa kanilang tatlo. 

"Slyvian .. okay lang ako may klase ka pa diba ??" naibalik ako sa reality nang sabihin yun ni Manus. 

Tumingin ako sa orasan ko at malapit na nga ang klase ko pero hindi ko magawang iwan si Manus na may sugat sa mukha. 

Kaya hinila ko siya palabas ng cafeteria 

"what the ... ano ba yun?? naguusap pa kami . I told you to go to your class na" singhal n Manus pero hindi ko siya pinansin kinakaladkad ko lang siya. 

DrapetomaniaWhere stories live. Discover now