Chapter 1

4 1 0
                                    

"Amory!!!!!!!! anak nasan ka ?? nandito na si Mama!!" nanghihinang saad ko habang tumutulo ang aking mga luha.

"ano?? walang cctv sa pwesto na to?? letche!! walang kwenta!" rinig kong tugon ni Ronald sa gilid ko , tiningnan ko siya nakahawak sa baywang habang busy sa phone niya.

"anong sabi? nahanap na ba daw nila si Amory??" umiiyak na sabi ko

"walang cctv sa pwesto na to kaya hindi nila alam kong saan nagpunta si Amory" napabuntong hininga si Ronald habang nakatingin sa phone niya. 

"ka- kasalanan ko ito... dapat hindi ko na siya i-iniwan dito" saad ko habang nakatakip sa mukha ang dalawa kong kamay dahil nahihiya ako sa katangahan ginawa ko, naramdaman ko ang mga kamay ni Ronald sa balikat ko. 

"wag mong sisihin ang sarili mo , may kasalanan din ako sa mga nangyayari , sorry Victoria hindi ako naging pabaya ako bilang ama ni Amory" napatigil ako sa sinabi niya at hinarap siya hindi pa din tumitigil ang mga luha ko pati na ang kaba ko. 

hindi namin alam kong nasaan si Amory at anong nangyari sakaniya

1 hour ago...

"amory dito ka lang muna ahh may titingnan lang ako dun ,wag kang aalis dito ah" 

"opo mama ," 

tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Ronald

"ohh nasan ka na ?? " agad na bungad ko sa a telepono

"saglit lang adaming nakapila sa department store" sagot naman ni ronald

"bilisan mo dyan , nagugutom na kami " saad ko sabay tingin kay Amory na hindi kalayuan sakin, busy siyang tumingin sa mga taong dumadaan 

"sige sige .. malapit na ako" saad niya sabay baba sa tawagan 

Kumuha ako ng pera at binayaran  ang binili kong stuffed toy para kay Amory , kulay rosas ito at hindi gaano kalakihan , siguradong magugustuhan ito ni Amory. 

"salamat po,"  saad ko sa tindero

"may nawawala nanamang bata nakoo napakadelikado na talaga ngayon" rinig kong sabi ng isang tindero sa gilid ko. 

Pagkabalik ko sa pwestong iniwanan ko kay Amory wala na siya duon at nagsimula na akong kabahan, agad kong tinawagan si Ronald at sinabi na hindi ko makita si Amory, hanggang sa ilang oras nang hindi namin nakikita si Amory ay nagpatulong na kami sa security. 

end of flashback.....

"wag kang magalala mahahanap din natin siya" saad ni Ronald , napahigpit naman ang hawak ko sa stuffed toy na dapat ay ireregalo ko kay Amory. 

"tama na wag kanang umiyak , mabuti  pa umuwi ka na muna at dederetso na ako sa presinto para mareport na to." saad ni Ronald

"a-yuko , .. kailangan nandun ako, sasama ako sayo hindi ako mapapalagay kapag nasa bahay ako" pagpupumigil ko, magsasalita pa sana ako nang biglang sumakit na ang dibdib ko 

napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Ronald 

" hindi pwede, baka hindi kayanin ng puso mo , umuwi ka na muna at uminom ng gamot mo , ipapasundo kita kay Kuya Ramon" saad ni Ronald.

"babyy, hintayin mo si mama okay.. " bulong ko sa sarili ko. 

DrapetomaniaWhere stories live. Discover now