Chapter 4

3 0 0
                                    


Bago kami dumeretso sa hospital ay dumaan muna kami sa starbucks at bumili ng maiinom. 

"ako na ang mag oorder, anong gusto mo? the usual?" saad ni Manus

Tumango nalang ako, bumaba siya sa sasakyan at pumasok sa loob ng store. Napansin ko ang tinginan sakaniya ng mga tao sa loob. 

Hindi ko din sila masisi dahil may gwapo naman talaga si Manus kaso tanga sa pagibig. 

Napangisi ako sa sinasabi ng utak ko . 

inilihis ko ang atensyon ko sa kanan ko, napansin ko naman ang isang batang nakaupo sa gilid ng store , hawak hawak niya ang isang tinapay na nakabalot sa plastic. Nakatingin siya sa isang batang nasa loob ng store na masayang umiinom ng milktea kasama ang isang lalaking matangkad at masayang nakikinig sa kwento ng bata. 

Naghanap ako ng tubig sa loob n sasakyan ni Manus at buti nalang ay may natira pang coca cola in can. Kinuha ko iyon at sabay na lumabas ng sasakyan, naglakad ako patungo sa bata. Iniabot ko ang dala ko sakaniya at tumingin muna siya sakin bago kinuha ang coca cola. 

"salamat po ate" tugon niya sakin ngumiti lang ako sakaniya tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad pabalik. 

"ate!!!" rinig kong sigaw ng bata lumingon ako sakniya Lumapit ang bata sakin 

Napansin kong may kinukuha siya sa bulsa niya 

"eto po ohh bagay po ito sainyo" saad niya sabay lahad ng isang bracelet sa harap ko

Nakangiti lang ako sakaniya kinuha niya ang kaliwang kamay ko at inilagay ang bracelet sa palad ko sabay takbo

"sa...la.mat" saad ko pero hindi ito narinig ng bata 

tiningnan ko ang bigay ng bata napagtanto ko na napakaganda nito , makulay ito at sa gitnang bahagi nito ay isang bulaklak ng sunflower na maliit lang pero ang ganda. 

isinuot ko ito sakin tyka pumasok sa  sasakyan. 

 Ilang minuto ang nakalipas ay nakita kong lumbas sa store si Manus. 

"hayst.. daming tao sorry natagalan" saad niya sabay abot sakin ng frappe na paborito ko. 

Uminom ako agad dahil uhaw na uhaw na ako. Sinubukan din niya yung kanya at sabay pinaandar ang sasakyan. 

"were late.. lets go" sabi niya tumango nalang ako habang nakatingin parin sa bracelet na bigay ng bata saakin 

"ohhh.. sino nagbigay niyan ??" biglang tanong ni Manus habang nakatingin sa kamay ko. 

"ah... yu.ng ba..ta sa. ma.y is....istore" saad ko 

Ngumiti lang naman siya at hindi na nagtanong ng kung ano pa. 


Nakarating na din kami sa hospital matapos ang ilang oras dahil sa traffic. 

Dumeretso kami sa office ni Mr. Fernandez. Habang nagdadrive si Manus kanina ay nakarecieve siya ng text kay papa at sinabi niya na dumeretso kami kay Mr. Fernandez isang speech specialist. 

Pagpasok namin sa office ni Mr. Fernandez ay aakalain mo lang na nasa bahay ka dahil kompleto ang mga gamit at kung sa labas ng room niya ay amoy ang alcohol at natural na amoy sa loob ng hospital , sa room niya hindi. Nadatnan naming may pinanuood si Mr. Fernadez sa monitor niya. Nakaupo siya na nakataas ang dalawang paa sa table., focus na focus siya kaya hindi niya kami namalayang nakapasok na sa office niya. 

"ehemm...." rinig kong usal ni Manus. Pero hindi pa din kami nahahalata ni Mr. fernandez busy siya sa kakanuood sa monitor. 

Kaya lumapit na si Manus at tinuktok ng mahina ang gilid ng table. 

At duon , saka palang niya kami pinansin , napaayos siya ng upo at dali dali na sinara ang monitor.

"ohh.. how may I help you??" saad niya sabay tayo 

"ahhmm, nagpaappointment po dito si Mr. Roland Ocampo" saad ni Manus

"ahh yeahh, you may take your seat" saad ni Mr. fernandez at naupo naman kami sa magkabilaan na upuan 

Napansin naman namin ni Manus na may hinahanap siya sa ilalaim ng desk niya, ilang segundo lang ay may inilabas siyang papel,\

"so.. are you Slyvian Ocampo?" turo ni Mr. Fernandez kay Manus , saglit naman akong napangiti sa reaksiyon ni Manus. 

"ahh.. hehehe hindi po ako, siya po" turo sakin ni Manus, ngumiti naman ako kay Mr. Fernandez

"yeahh.. sorry , tunog pang lalaki kasi ang pangalan mo"  saad ni Mr. Fernandez

Kumuha siya ng ball pen sa gilid niya at may kung anong isinulat sa pape,

"so whats the problem Miss Sylvian?" taka namna akong tumingin kay Manus

"sorry, but were here for her speech therapy" tunog sarkastikong tugon ni Manus

"ahh oo nga , hahaha" tumawa naman siya ng malakas at nanatili kaming dalawa ni manus na nakatingin sakaniya.

kinuha niya ang isang flash  card at pinaupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sakaniya

"okay, Slyvian read this"  tugon niya tumango naman ako at saka sinubukang basahin

"bre....brea.k" utal utal kong sabi 

tumango tango siya at saka ibinababa ang flashcard na hawak niya 

"kailan nagsimula ang pag utal utal niya?" saad ni Mr. fernandez

"since bata pa po siya ganyn na po siya" saad ni Manus, 

I feel ashamed of what is happening right now , dapat sila mama at papa ang nandito para maexplain ng mas maayos pero si Manus ang nandito, 

its so embarrassing.

"uuhhmm okay that's it for today, I'll call you back kung kailan kayo ulit pupunta dito, for now, I need to talk to your mom and dad okay??" paliwanag ni Mr. Fernandez

"bu..t   is th..ere a cha..nce for me to be ab..le to s..pe..ak strai..ght ?" saad ko

"yeah there's a chance but we need to be more patient, also I need to know some things, for me to help you with this." paliwanag ni niya tumango naman ako sabay na naglakad patungo sa pintuan. 

Dami kong biglang naisip, sa utal ko , dami ko ding tanung katulad niya, hindi ko din malaman kong saan at paano ako nagsimulang maging ganto. 

I need to know something, the reason behind this, and the only way is my parents. 

Pumasok na ako sa kotse at hinintay si Manus sumakay sa sasakyan 

Naramdaman ko namna ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa kaya agad ko itong inilabas at tiningnan kong sino ang nag text

nakatanggap ako ng text galing kay mama

"anak, kamusta? ano sabi ng doktor?" saad ni mama sa text niya , hindi ko naman magawang mapindot ang reply kasi hindi ko din alam ang sasabihin ko . 

At timing naman na dumating na si Manus tinago ko ang phone ko at saka tumingin sa labas. 

"ill be the one to text them" rinig kong tugon ni Manus, hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya. 

Pinaandar na niya ang kotse at paalis na sana kami nang may napansin akong pamilyar na mukha , hindi ko alam ang pangalan niya pero im sure na nakita ko na siya somewhere. Napansin kong may kausap siya. 

'wait... it's. that.. '


DrapetomaniaWhere stories live. Discover now