Chapter 2

7 2 0
                                    

 " Hi? a..ako nga pa-pala si..si...." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla nalang siyang tumalikod saakin at nagsimulang maglakad kasama si Augustus 

'bantot ng pangalan'

"ganda nun pre ahh kaso utal-utal nga lang" rinig kong tugon ni Augustus na kasama ni Hallux. 

"tss.. anung silbi ng ganda mo kung hindi ka naman makapagsalita ng tuwid" napatigil ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Hallux.

'bakit ba kasi nauutal akong magsalita lagi...'

"ha..ha..llux" mahinang tugon ko habang tinitingnan silang palayo sa gawi ko. 

"ha..ha...hak.dog" rinig kong tugon ng isang kung kaklase sabay naman tumawa ang dalawa niyang kasama sa gilid niya

"wag ka nalang magsalita para hindi ka mahirapan, kami nahihirapan sa sitwasyon mo ih hahahah" usal niya at sabay alis habang tumatawa at nakahawak sa tiyan at ang isa naman niyang kasama ay hinahampas sa likod ang isa pa niyang kaibigan habang tumatawa. 

Ganun ba kasayang gawing biro tong meron ako? 

hindi ko alam kong bakit ako ganito , hindi ko alam ,.. basta simula bata palang ay nahihirapan na akong makipagsalamuha sa iba dahil nga sa lagi akong nauutal kapag may kausap ako. Kaya ang tanging ginagawa ko lang ay manahimik, may mga bagay na gusto kong sabihin pero hindi ko magawang sabihin, may mga opinyon akong gustong sabihin pero mas pinipili ko nalang manahimik dahil sa hindi din naman nila seseryusohin ang sasabihin ko. 

Simula elemntary ay wala na akong kaibigan , dahil lahat sila ay nahihirapan akong intindihan yung iba naman  maikli lang ang pasensya sakin.  

Nakaramdam ako ng kamay na nakahawak sa balikat ko 

'andito nanamn siya' 

"annyeong??" agad na bungad niya sakin 

'ano naman bang ipapagawa neto?? koreanong hilaw'

"mmm.." yun lang ang itinugon ko

"may gagawin ka ba ?? samahan mo naman ako" saad niya sabay kapit ng mahigpit sa kamay ko

tumingin , tingin ako sa paligid at madaming nakatingin samin , lahat ay masasama ang tingin sakin. 

"ya! Ma..nus" naramdaman ko namang naghihintay pa siya ng sasabihin ko , binawi ko ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak at lumayo ng ilang hakbang sakaniya

pansin ko naman ang pag kunot ng noo niya 

"bakit??" saad niya sabay amoy sa damit niya

"hindi naman ako mabaho ahh" dagdag niya pa , napailing na lang ako at nagsimula nang maglakad palayo sakaniya

"yahh!! Sylvian!! gidalyeo" rinig kong sigaw niya . 

Siya si Manus, PURE FILIPINO feeling koreano , hindi ko alam kong kailan nagsimula siyang magkaroon ng hilig sa kultura ng Korea. Inaral niya ang salita nila pati pananamit at pati pagkain nila, kinakain na din niya. Isang beses nga pumunta siya sa bahay at kung ano anong salita ang sinasabi hindi ko naman maintindihan. 

siya ang unang taong nagreach out sakin at nakipagkaibigan sakin , nung una ay hindi ko siya pinapansin dahil alam kong katulad din siya ng iba na ibubully ako dahil sa lagay ko , pero ni minsan hindi niya ako kinantyawan sa lagay ko sa halip, ginagawa niya akong alila sa dami ng pinapagawa at sa dami ng gustong gawin at puntahan. 

Tumunog ang bell at simula na ng  huling klase namin. 

"bye Sylvian! hintayin kita mamaya ahh" saad niya sabay finger heart sakin . Napangiti naman ako sa ginawa niya 

tumango na lang ako at dumeretso na sa classroom.


Lumipas ang ilang oras ay tumunog na ulit ang bell hudyat na uwian na. Sa wakas , makakaalis na din dito

" Sylvian..." rinig kong may tumawag sakin lumingon naman ako sakniya at nakita kong nakatayo sa harap ko si Poncy habang may hawak na papel sa kamay

"ahm.. pinapaabot to ni Maam Rosales sayo" saad niya sabay abot sakin ng papel , agad naman siyang umalis 

Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat duon

napatigil ako sa kinauupuan ko nang makitang tumaas ang mga grado ko. 

Napangiti ako , ang saya saya ko hindi bumaba ang grado ko kahit papaano. 

'buti naman , matutuwa neto si mama' bulong ko sa utak ko 

agad kong isinilid ang papel sa bag ko at agad na lumabas ng room 

"bulaga!!!!" napaatras ako sa gulat nang bumungad sa harap ko Manus

"hahaha , ayusin mo nga mukha mo dyan.." tugon niya , sabay kuha ng bag ko 

"tara na ," saad niya sabay hila naman sakin , sumakay kami sa kotse niya at dumeretso sa mall. 

"a.no.. na..man. bi.bil..hin mo?" tugon ko 

"ahmm.. regalo"

'regalo?? para kanino?'

tiningnan ko siya ng naka kunot noo 

"para kay Felices" saad niya sabay ngiti 

'ayy oo nga pala hopeless romantic nga pala tong tao to'

tumango nalang ako at sinundan siya 

tumigil siya sa isang stuffed toy area. Npangiti ako sa mga nakikita kong mga laruan.

hinayaan kong maghanap si Manus ng gusto niyang bilhin, habang ako naman ay tumitingin tingin din ng mga stuffed toy na nasa gilid ko. 

hanggang sa napansin ko ang isang teddy bear na kulay rosas kinuha ko ito pero bago pa man yun ay inagaw na sakin kaagad ni Manus ang teddy bear.

"eto na lang.. galing mo talaga" saad niya sabay tap sa ulo ko

'hayst.. sakin yun ih.. walang hiya talaga tong taong to'

Mabilis naman niyang binayaran ang teddy bear. 

palabas na kami ng store nang makita ng mata ko si Felices kasama si Hallux, nakalingkis ang kamay ni Felices sa braso ni Hallux. 

Agad na napatigil at pinagmasdan silang naglalakad, hanggang sa narealize kong kasama ko pala si Manus, 

Tiningnan ko siya at nawala ang mga ngiti niya nang nakita niya ding magkasama sila Felices at Hallux. 

'hayst.. gusto ko siyang sapakin dahil sa katangahan niya'

ilang linggo na din kasing nabalitaan namin na nagdedate na sila hallux at Felices , pero heto siya bumibili ng regalo para kay felices. Pinagmasdan ko ang teddy bear na hawak ni Manus. 

'kawawa ka namn , mapupunta ka sa hindi deserving na taong yayakap sayo.'

Napabuntong hininga nalang ako at sabay hinawakan sa balikat si Manus, tumingin siya saakin at pilit na ngumiti

"tara na" saad niya sabay unang naglakad.

'matatauhan ka din..'

DrapetomaniaWhere stories live. Discover now