Kabanata 11

1.2K 19 0
                                    


Kabanata 11

La Santa

Wala sa sarili akong pumasok sa eskwelahan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang nangyari sa amin kagabi. Nangyari ba talaga 'yon? Is that real? Binigay ko ba talaga sa kanya ang lahat?

"Hoy!" hinila ni Ismeralda ang buhok ko kaya natauhan ako.

"Huh?" I was now disoriented.

"Totoo ba 'to? You shift into fine arts?" si Berna ang nagsalita. "2nd year ka na sana eh pero nagshift ka, sure ka ba sa fine arts?"

"I want to own an exhibit someday. And yeah. This is my dream, Berna." I sighed lightly. "Nadagdag lang siya na program courses ngayon kaya kinuha ko na, noon pa man ay pangarap ko na ang maging isang artist. I love arts. Ginusto ko 'to."

"Yeah right..." sarkastikong saad naman ni Isme. "Hindi ka na talaga mapipigilan 'no? Ewan sa'yo, Andeng."

"Well dream mo 'yan kaya sige!" ngumuso si Berna.

"Support!" si Isme naman na nagtatampo na dahil iniwan ko siya sa Archi.

Ngumiti ako. I'm happy when I'm with them. Despite of our petty fights and so on, nandito kami lagi para sa isa't isa. Walang nagiiwanan, friendship always.

"Kamusta kayo ng Lyle mo?" ngumisi si Berna sa akin.

Hindi ako nakaimik sa tanong niya, naubo ako bigla.

"Naku kapag ikaw pinaiyak niyan, ewan ko na lang sa'yo." umiling si Isme.

Magsasalita pa sana ako ng pumasok ang instructor namin sa Philosopy 2300, umayos kami ng upo ng naupo siya sa harap. Naningkit ang mata ko ng makilala siya.

"New teacher ba 'yan? Infairness! Gwapo oh!" bulong pa sa akin ni Berna pero hindi ako makaimik ng magtama ang tingin namin. "Shet nakatingin siya sa'yo ghorl! Ganda mo talaga!"

"Ang harot oh! Tumingin ka din!" bulong na din ni Isme na nasa kabilang side ko din na nakaupo.

Napanganga ang buong klase na nakatingin sa kanya, may bumulong pa na gwapo siya. Well gwapo nga 'to, same as Lyle. Napalunok ako ng tumayo siya para magpakilala sa harap.

"Good morning everyone! I'm Mr. Kieran Hidalgo, I am your new instrutor in Philosopy 2300. I want you to follow my rules then I let you pass." ngumiti si Sir.

"Ano 'bang rules mo, Sir?" kinikilig pa si Isme habang nagtatanong kay Sir Kier.

Hindi na talaga ako mabibigla sa kaniya dahil ganyan talaga 'yang si Isme, tirador ng teacher.

"Just simply participate in my class and pass your projects." he bit his lower lip while staring at me.

Wait! Is he flirting at me!?

"Sir!" nagtaas ng kamay si Berna.

"Yes?" he asked simply.

"Possible po ba na magkakagusto kayo sa student niyo?" nagkantiyawan 'yong mga blockmates namin kaya napatakip ako sa tenga ko. Hmp!

Maporma siya habang nakatayo sa harap. Kier is wearing a white dress shirt paired with black jeans. Ang kanyang buhok ay medyo magulo pero pilit niyang inaayos gamit ang kanyang daliri, napanganga 'yong mga babaeng blockmates namin dahil ang gwapo niya talaga.

"Laway mo!" bulalas ni Berna sa tabi ko.

Nahihiya akong napatakip sa bibig ko dahil sa sinabi sa akin ni Berna, tumalikod na si Sir Kier para magsulat sa white board. So? He's a professor? At oo nga pala! Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya sa binigay niya sa akin na watercolor and some painting materials!

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon