CHAPTER 7

3.5K 66 8
                                    

CHAPTER 7


ROSE'S POV

Five years later...

"Rose, 'kaw na muna bahala kila Ashton and Ashley ah? Nagmamadali na kasi ako eh. Pakainin mo na lang sila, may niluto naman na akong breakfast dyan. Una na ako, salamat!"

Nagmamadaling pakisuyo niya sakin ni Hannah pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay niya.

Hayyy.

Ang hirap talaga maging ninang.

"Ay! Ang galing! Siya siya, gumura ka na nga at ako ng bahala sa mga inaanak ko! Ingat ka ah."

Iyon na lamang na sabi ko ng dire diretso ng lumabas si Hannah paalis.

Limang taon na simula ng umalis kami sa Pilipinas.

Saksi ako sa hirap na pinagdaanan ni Hannah lalo na sa pagpapalaki sa kambal nilang anak ni Kael.

Oo, kambal.

Si Ashton Mikael ang naunang ipinanganak at si Ashley Hanaih naman ang sumunod.

38 seconds lang naman bago ipanganak ulit si Ashley.

Gabi gabi ko ring naririnig na umiiyak si Hannah sa kwarto niya simula ng iwan nya ang asawa.

Buti na lang at nagbago ang lahat ng ipanganak niya ang cute na cute na kambal dahil nagkaroon na sya ng bagong dahilan para lumaban.

Hindi nga rin talaga namin inexpect na kambal pala eh.

'Di din naman kasi sinabi ni Doc nung nagpacheck noon si Hannah, kaloka.

Napapabuntong hininga akong umakyat sa second floor ng bahay nila para tignan kung gising na ba ang dalawang bata.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto nila ay sumalubong sakin ang magkayakap na itsura ng kambal.

Napangiti ako dahil ang cute cute nilang tignan.

'Sarap paghiwalayin eh."

Kung mapapansin ay kuhang kuha ni Ashton ang itsura ni Kael.

Habang si Ashley naman ay medyo hawig lang dahil mas kamukha nito si Hannah.

Sumandal ako sa pinto habang pinagmamasdan ang dalawa.

Ano kayang magiging reaksyon ng dalawang ito sa oras na makilala nila ang ama nila?

Ano kayang gagawin nila sa oras na maintindihan na nila kung bakit nagawang iwan ng kanilang ina ang papa nila.

'At ano kaya ang gagawin ni Kael sa oras na malaman niya na siya ang ama niyong dalawa?'

Ayaw na ngang bumalik pa ni Hannah sa pilipinas.

Ni ayaw niyang ipaalam kay Kael na may mga anak silang dalawa.

Wala naman akong magagawa sa desisyon niya dahil kahit ako ay pabor sa ganon.

Paano na lang kung kunin ni Kael ang dalawang bata kapag nalaman niya?

Subukan lang niya, sampal at tadyak aabutin niya sakin.

Baka rin tuluyan ng mabaliw si Hannah kapag nagkataon.

Inalis ko ang aking sarili mula sa pagkakasandal at isinara ang pinto bago bumaba sa baba.

Maglilinis na muna ako.

Linigpit ko lahat ng kalat sa sala na kadalasan ay puro laruan ng dalawang bata.

Nilinis ko na din ang bahay nila dahil wala ng oras pa si Hannah para gawin ito dahil sa kakatrabaho.

Nakakatuwa lang isipin dahil sa loob ng limang taong paninirahan namin dito ay nagkaroon ng boyfriend si Hannah habang pinapalaki nya ang dalawang anak.

JUST HIS WIFEWhere stories live. Discover now