EPILOGUE

2.6K 49 2
                                    

EPILOGUE

KAEL'S POV

Lahat ay nakaayos na.

Lahay ng bisita at parte ng kasal ay nakaabang na sa pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan.

Lahat nakararamdaman ng kaba ngunit lamang ang pagkasabik.

At ako?

Pa relax relax lang syempre.

Lalo namang hindi mawawala ang magandang ngiti ko habang nakatayo ngayon sa harap ng altar.

Katabi ko si Niel na kanina pa kinakabahan.

Akala mo naman tatakbuhan!

Kanina ko pa din kasi nakikita na pasimple niyang pinupunasan ang pawis sa sariling noo.

Hindi naman mainit dito sa simbahan kaya alam kong dahil sa kaba yun.

Mahina akong natawa ng makita ang itsura niya.

Mukha ng natatae eh.

"Relax bud, everything will gonna be alright."

Pagpapakalma ko sa kanya.

Noong nalaman ko ang ginawa niyang pagpapaubaya, nawala ang kaunti as in KAUNTI LANG na inis ko.

Hindi ko pa rin matatanggap na hinawakan niya ang asawa ko!

Kaya ayon, nang umuwi siya dito sa pilipinas ay agad akong humingi ng tawad at nagpasalamat.

Nagpasalamat sa lahat ng ginawa niya sa mag-iina ko.

At simula din ng araw na yun, naging close na kami.

Kinuha ko rin siyang best man sa kasal ko na hindi din naman niya tinanggihan.

Maya maya pa ay narinig na namin ang maingay na pagbukas ng pinto ng simbahan.

Sabay sabay kaming napalingon doon at napangiti ng masilayan na ang babaeng ikakasal.

Kasabay ng paghakbang niya papasok, ay siya namang pag-ugong ng wedding song ng ikakasal.

(Song Title: The Gift by Jim Brickman)

~Winter snow is falling down

Childrens laughing all around

Lights are turnin' on

Like a fairy tale come true~

Nakangiti kong nilingon si Neil.

Hindi naman ako nito napansin dahil busy ito sa pagpunas ng luha niya.

Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa nakita.

'Mukhang mahal mo nga talaga siya.'

Umiling iling ako bago ibinalik ang tingin sa bride na naglalakad na palapit sa kinatatayuan namin.

'Wala na akong atraso sayo!'

Sigaw ko sa isip ko na para sana sa babaeng nakasuot ng pangkasal.

Kaso hindi ko naman pwedeng isigaw yun dahil masisira ang seremonya, at kapag nangyari yun paniguradong bugbog ang aabutin ko sa babaeng ito.

Hindi ko maiwasan ang lingunin ang asawa ko na masayang nakangiti sakin.

Sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti bago ibinalik ang tingin ko sa babaeng bida ngayon.

~Sitting by the fire we made

You're the answer when I prayed

I would find some one,

And baby I found you~

Hindi ko napigilan ang paglabas ng mahina kong tawa dahil hanggang sa makalapit ang bride ay nagpupunas pa rin ng luha si Neil.

Mukhang sobra ang saya niya dahil sa wakas ay ikakasal na siya.

Ngayon ay nahanap niya na ang babaeng totoong para sa kaniya.

Na walang iba kundi si Rose.

Si Rose Ocampo na sobrang ingay ng bunganga at napaka amazona pa.

Hindi ko nga alam kung paanong napaamo ni Neil tong babaeng to eh.

Ewan ko din kung paano sila na fall sa isa't isa basta nauwi na lang sila sa kasalan.

Noong isang taon pa kami ikinasal ng asawa ko, bago pa niya ipanganak ang bunsong lalaki naming anak na si Kyle Justine Vasquez.

Hindi ko pa din maiwasang matawa ngayon tuwing naalala ko ang ginawa ni Rose.

Tinutoo niya ang sinabi niya noon na papaky*han niya ako ng trenta.

Iyon nga lang ay sa harap pa ng mga bata.

Tsk tsk! Ibang klase.

"Congrats pre."

Ngumiti ako kay Neil saka tinapik ang balikat niya bago bumalik sa asawa ko at naupo sa upuan na nasa tabi niya.

Nakangiti niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko habang pinapanood ang bestfriend niyang ikinakasal na.

Hinawakan ko ang kamay ni Hannah saka siya hinalikan sa noo.

Nilingon ko ang mga anak namin na ngayon ay nakaupo din katabi ang iba pang mga bisita.

Nakangiti ng malapad si Ashley habang nakabusangot naman si Ashton.

Paniguradong bored na bored na naman ang isang to.

Anak ko nga talaga.

Tsk!

Muli ko namang ibinalik ang tingin sa ikinakasal.

"YOU may now kiss your bride."

Nakangiting imporma ng pare kay Neil.

Natawa naman ako ng mapansin ko ang panginginig ng kamay niya habang itinataas ang belo ni Rose.

Tinapik naman ako ng asawa ko kaya napatingin ako sa kanya.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sobrang ganda ng asawa ko ngayon.

"I love you Kael."

Malambing niyang sabi sakin.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka siya sinagot.

"I love you too wife."

Saka siya hinalikan ng buong puso at puno ng pagmamahal.

Feeling ko tuloy ngayon, kami ang ikinakasal.

@CINESEEN

JUST HIS WIFEWhere stories live. Discover now