Simula

180 13 7
                                    

"Adelaide!" Tawag ng nakatatanda niyang kapatid na si Ezikiah sa bunso niyang kapatid na si Adelaide. Umiiyak ang kanyang kapatid dahil sa mga kaklase nitong binu-bully siya, nasa tapat sila ng kwarto ng kapatid niya.

May mga gasgas ang braso ni Adelaide pero hindi iyon nakikita ng mga kapatid niya dahil naka-long sleeves siya. Maging si Riana ang pinaka-matanda sa kanilang magkakapatid ay nagtataka kung bakit ganon ang damit ng kapatid, maliban kay Ezikiah na alam ang dahilan dahil nakita niya ito ngunit hindi na lamang siya umiimik. Ayaw niyang magkagulo pero ayaw din niyang masaktan ang kapatid niya.

Labing apat taong gulang pa lamang si Adelaide Liana habang ang kapatid niya na si Ezikiah ay labing pito na taon at ang pinaka-matanda sa kanila ay si Riana na labing siyam na taong gulang. Sa kanilang tatlo ay laging magkakasama.

Sa kanila ring magkakapatid si Adelaide ang pinaka-mahina, hindi niya gustong makikipag-away sa kapwa niya. Pero siya itong inaaway.

"Liana, hayaan mo na. Sasabihin na lang namin kila mom and dad na ilipat ka ng public school. Baka maging maayos yung pag-aaral mo." Sabi sa kanya ng kapatid niya na si Riana, tumango na lamang si Adelaide sa kapatid staka pumasok sa loob ng kwarto at nagkulong na lamang doon.

Kinatok siya ng mga kapatid niya pero hindi niya ito pinag-buksan. Nahiga na lamang si Adelaide sa kama niya habang nakatingin sa kisame, umaagos ang luha niya nang hindi niya nalalaman.

Hanggang saan nga ba ang paghihirap na pinag-daraan niya? Bakit lagi na lang siyang ginagawan ng masama kahit hindi naman siya gumagawa ng masama?

Kinuha niya ang cellphone niya at ni-log out ang fb account niya sa cellphone niya, maging ang iba niyang social media accounts. Ayaw niyang makatanggap ng mensahe galing sa kahit kanino, gusto niya lang ng tahimik at payapang buhay.

Ang mga magulang niya ay may-ari ng hacienda sa isang probinsya sa Marinduque, binili nila ang hacienda na iyon dahil gusto ng lolo nila Adelaide na doon na lamang sila magkaroon ng hacienda. Tahimik din naman ang lugar doon.

Hindi gusto ni Adelaide na doon tumira dahil mahina ang signal, wala siyang magiging kaibigan at hindi niya gustong magpupunta sa malalayong lugar.

Titiisin niya lang ang mga natatanggap niyang masasakit na salita kahit pa pisikal iyon, biktima siya ng bullying pero hindi na lang siya nagsasalita dahil wala siyang laban sa mga iyon.

'Ano bang klaseng buhay ito? Sana nandito ka na lang...' wika niya sa kanyang sarili.

Hinihiling niya na sana nasa tabi niya ang kaibigan niya na palagi siyang pino-protektahan. Sana ay magkita ulit sila kahit sandaling panahon para pag-usapan ang mga nangyari sa buhay nila.

Bakit nga ba mas gusto niyang saktan siya ng mga tao kahit wala naman siyang ginagawa? Bakit kailangang danasin niya ang mga bagay na dapat hindi niya dapat dinaranas?

Bakit ba siya iniwan ng kaibigan niya na walang paalam? Ang nag-iisa niyang kaibigan na iniwanan siya, ang kaibigan niya na palagi siyang pinagtatanggol sa mga tao na umaapi sa kanya.

Bakit lahat na lang ng taong nagiging malapit sa kanya ay iniiwan siya? Mayroon ba siyang nagawang mali para iwanan siya ng mga taong mahahalaga sa kanya?

Kailangan pa ba niyang intindihin na lahat ng tao ay iiwanan siya pagdating ng panahon dahil hindi lahat ng tao na dumadating sa buhay natin ay pang habang buhay na nasa tabi natin?

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon