Kabanata 26

40 2 70
                                    

Masaya ako. Masaya akong nagawa ko ang isang desisyon na alam kong magiging masaya ko, kahit alam kong baka hindi maganda ang kalalabasan nitong naging desisyon ko ay itutuloy ko pa rin. Gusto ko lang sumaya kahit sandaling panahon lang, kahit ngayon lang.

Gusto kong sa panahon na ito ay sundin ko ang mga bagay na gusto ko, na walang pumipigil sa akin. Matagal ko nang hinahadlangan ang mga sarili kong kasiyahan kaya sa panahon na ito ay gusto ko namang bumawi sa sarili ko. Ayoko na muling hadlangan ang sarili ko na sumaya ulit.

Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng table ni Ate Katherine. Nandito ulit ako sa hospital para bantayan si Ate Katherine dahil si Kalia ay may pasok sa trabaho niya, nag-apply daw kasi siya ng trabaho kaya gagabihin siya ng pagpunta rito. Wala namang ibang mag-aalaga at magbabantay kay Ate Katherine kundi kami lang ni Kalia, ang pamilya niya ay walang pakialam sa kanya, ni hindi siya dinadalaw dito para kamustahin.

Ayaw nilang makita si Ate Katherine dahil wala raw itong kwentang anak, walang ibang ginawa kundi mag-lakwatsa at puro barkada ang inaatupag daw kaya hindi nakakakuha ng matataas na grado. Mas pinipili nilang paniwalaan ang mga naririnig lang nila sa ibang tao kaysa sa anak na pinalaki nila. 

Minsan hindi ko maintindihan ang ibang magulang, imbis na pagaanin ang pakiramdam ng anak nila dahil nahihirapan na ito ay sinasabi nilang nag-iinarte lang daw. Kapag depress, sasabihin nila nag-iinarte lang daw o kung ano. Bakit ba ang ibang mga magulang ay ganoon? Bakit mas pinipili nilang maniwala sa mga taong hindi naman nila lubusang kilala kaysa sa anak. 

Inalis ko na lang ang mga bagay na iyon sa isipan ko at tinignan ang message sa akin ni Dariel ngayon lang...

Dariel: Sinta? 

Dariel: Laide pala hehe, labas tayo bukas pagkatapos ng klase natin, ah? May surprise ako sa'yo, hihintayin kita sa tapat ng hacienda. 

Paulit-ulit kong binabasa ang unang message niya sa akin kung saan tinawag niya akong 'Sinta' hindi ko namalayan na wala ako sa sariling napangiti. Nang mapansin ko na nakangiti ako ay agad ko itong pinigilan, kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. 

Ganito ba ang pakiramdam ng kiligin? Ito ba ang sinasabi nilang 'kilig'? Iyong hindi mo mapigilan ang sarili mong ngumiti sa simpleng pananalita niya, ito ba 'yung pakiraman na iyon? Ngayon ko lang naramdaman ito, ang saya pa lang kiligin, unang beses kong kiligin sa mensahe niya. Siguro ay palagi kong mararamdaman iyon kapag kasaa ko si Dariel at sa tuwing makakausap ko siya.

Ilang segundo lang akong nakatulala sa harapan ng cellphone ko pero kalaunan ay natauhan din dahil narinig ko ang pekeng pag-ubo ni Ate Katherine. Nawala ang ngiti sa labi ko saka tinignan si Ate Katherine na nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kanya at agad ring inalis ang tingin dahil sa palagay ko ay aasarin na naman niya ako tungkol sa kung anong bagay.

Buti na lang ay wala si Kalia rito, hindi pa siya dumarating dahil ala-sais pa lang naman ng hapon, saka na ako uuwi kapag dumating na siya rito. Wala kasing kasama si Ate Katherine kapag umalis ako.

Gusto kong makausap ang pamilya ni Ate Katherine para naman makausap ko sila tungkol kay Ate. Ayokong mang himasok sa buhay nila pero gusto kong ioaalam sa kanila ang kalagayan ni Ate Katherine rito sa hospital kahit ayaw nilang marinig.

"Sino 'yan, Laddie? Si Dariel ba iyan kaya ganiyan ka kung makangiti?" Kantyaw ni Ate Katherine. Gulat ko siyang tinignan, umiling ako para sabihing hindi si Dariel ang kausap ko.

Gusto ko mang sabihin sa kanya pero alam kong hindi pwedeng malaman niya at kahit na sino, kahit si Kalia, kaibigan ko o maski ang nga kapatid ko. Ayokong ipaalam sa iba ang tungkol sa amin ni Dariel, itatago namin ito hanggang sa kaya naming itago.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon