(ADELAIDE POV)
"Doon ka muna sa amin nila Mama matulog kung gusto mo kaso medyo mainit doon, marami ring mga tao na maingay at nag-iinuman sa labas. Ano? Gusto mo ron? Kaya nga roon ako natutulog sa mansyon niyo para tahimik." Rinig kong saad ni Kalia habang nakatingin sa lawak ng hacienda.
Nakaupo kami sa batuhan sa gilid ng mga maliliit na halaman at bulaklak, ang langit ay unti-unti nang dumidilim at ang araw ay hindi na rin nakikita. May kaunting liwanag ang kalangitan ngunit mamaya lamang ay didilim na at makikita ang mga bituin. Ayoko pang bumalik ng mansyon, ayokong makita ang pinsan ko na si Andricia dahil siya ang palaging tinatapakan ang pagkatao ko, ayoko sa kanya.
Kailangan kong maging matapang. Gusto kong maging matapang para hindi na ako tinatapakan ng ibang tao pero kapag kaharap ko na ang taong iyon ay nawawala ang tapang ko, hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil na rin sa kahinaan ko.
"Huwag na. Uuwi ako sa mansyon. Hayaan mo na ako, kaya ko naman ang sarili ko. Wala naman sa akin kung ano ang sabihin nila, wala akong pakialam sa kanila. E di hahayaan ko na lang sila kung ano ang gusto nilang sabihin." Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko, nakita kong sinundan niya ako ng tingin.
Tipid ko siyang nginitian saka pinagpag ang dress ko na may mga dumi dahil sa pagkakaupo ko kanina. Pagkatapos kong pagpagin ang damit ko ay tinignan ko siya, tipid ko siyang nginitian. Magsasalita sana ako nang may marinig akong nagsalita sa likuran namin.
"Adelaide, Kalia. Anong ginagawa niyo rito? Dumidilim na tapos nasa labas pa rin kayo?" Narinig ko ang boses ni Castiel na may tono nang pagtataka, humarap ako sa kanya saka naglakad papunta sa harapan niya. Si Kalia ay nakita kong pumunta rin sa tabi ko, ibinaling ko ang tingin ko kay Castiel at nginitian siya.
Malapit lang bahay nila rito, nagtr-trabaho rin siya sa bayan at sa tingin ko ay pauwi na rin siya. Siguro ay nakauwi na rin sa kanila si Dariel, kanina lamang ay magkasama kaming dalawa sa simbahan, hindi ko inaasahan na magkikita kami kahit sa simbahan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina sa amin, nakakahiya! Hindi ko alam kung pangit ba ako roon, buti na lang dahil hindi malapit ang mukha namin sa isa't isa, sa susunod ay kailangan kong maging alerto dahil baka mamaya ay nasa gilid ko lang pala siya.
"Pauwi na rin ako. Sige, mauuna na ako. Kalia, iwanan ko muna kayong dalawa." Wika ko saka tumalikod sa kanilang dalawa.
Nag-umpisa na akong maglakad palayo sa kanilang dalawa, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kalia pero hindi ko siya nilingon. Tinakbo ko ang daanan papunta sa mansyon namin, naglakad na lang ako papunta sa gate namin. Napansin ko ang ilang tao na nakatingin sa akin habang pinag-uusapan ako.
Alam kong kami na naman ni Dariel ang pinag-uusapan nila, wala naman kaming asamang ginagawa kaya hahayaan ko na lang sila. Inaakala nila na gusto namin ni Dariel ang isa't isa ngunit nagkakamali sila dahil kahit kailan ay hindi iyon mangyayari. Hindi niya ako magugustuhan dahil imposible iyon.
Kung magustuhan man namin ang isa't isa ay maraming pwedeng maging hadlang sa amin. Alam kong kapag naging kami ay hindi rin tatagal ang relasyon naming dalawa kaya kung hindi rin tatagal ang relasyon namin kung sakali ay huwag na lang. Teka! Ano ba itong naiisip ko?
Umiling-iling ako sa mga bagay na sumasagi sa isipan ko.
Pumasok ako sa gate ng mansyon namin, nakita ko ang ilang kotse na nakaparada sa gilid at ang iba ay van na nakaparada rin kasama ang ibang mga kotse. Inayos ko ang sarili ko bago maglakad papasok ng mansyon, iniwasan ko ang kabahan at isipin na makikita na naman ang mga taong ayokong makita.
BINABASA MO ANG
Threads That Bind
General FictionAdelaide Liana is an the daughter of a wealthy family, her family is an owner of one the largest farm of their province. A kind of humble, generous and sweet lady. But despite that, she thinks a lot of problems, why does she still need to undergo th...