(ADELAIDE POV)
"Tignan mo nga naman at magkasama ang dalawa!" Nagulat ako noong biglang nagpunta si Andricia sa harapan namin ni Dariel pati ni Ate Katherine. Lumapit sa amin si Andricia saka ngumisi bago tignan si Dariel na seryosong nakatingin sa kanya.
Nasa gitna ako nina Dariel at Ate Katherine. Tinignan ko si Andricia na nakatingin na ngayon sa akin gamit ang matatalim na tingin, hindi na siya nakangisi kumpara kanina pero nakakatakot ang matatalim niyang tingin.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko ng matatalim niyang tingin dahil halos sa tuwing nakikita ko siya ay ganoon ang tingin niya sa akin, nakikita ko rin madalas mula sa mga mata niya ang galit na nakapaloob doon.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Ate Katherine gamit ang sarkastikong boses.
Alam na rin ni Ate Katherine ang tungkol sa amin ni Dariel dahil narinig niya si Andricia na pinagsasalitaan na naman ako ng masasamang salita kaninang umaga. Mabuti nga ay wala akong kasama sa mansyon kanina noong pagsalitaan ako ni Andricia. Sinabi ko kay Ate Katherine dahil narinig niya na, wala naman na akong magagawa kundi ang sabihin ang totoo sa kanya.
May tiwala ako kay Ate Katherine.
Tinignan siya ni Andricia saka umiling nang dalawang beses bago magsalita, "May gusto akong sabihin sa kanya. Masama ba iyon?" Pabalik nitong tanong gamit ang isang mataray na boses.
"A-Ano iyon?" Tanong ko kay Andricia.
Napatingin ako kay Dariel nang hawakan niya ang kamay ko, wala siyang binigay na kahit anong senyas kaya ibinalik ko kay Andricia ang aking atensyon. Ayokong magsalita kay Andricia dahil alam kong pagsasalitaan niya lang ako ng hindi maganda.
Wala akong ginagawa kay Andricia pero hindi ko maunawaan kung bakit sa tuwing makikita ko siya ay pagsasalitaan niya ako ng hindi maganda na makakasakit ng damdamin ko.
Noong pitong taong gulang pa lang kami ni Andricia magkasundo kaming dalawa sa lahat ng bagay pero nagbago ang lahat nang iyon noong umalis sila malapit sa bahay namin, bumalik ulit sila malapit sa bahay namin makalipas ang tatlong taon, noong dumating ulit sila ay palaging galit sa akin si Andricia at palagi niya na rin akong pinagtatabuyan.
Sa tuwing may umaaway sa akin noon ay siya ang umaaway tapos kapag umiyak ang umaway sa akin ay pupunta siya sa harapan ko at hahawakan ang kamay ko, tatanungin niya ako kung ayos lang ba ako o kung may masakit ba sa akin saka niya sasabihin sa akin na mahina ang mga kinaaway niya.
Pinilit kong kalimutan ang pinagsamahan namin noon dahil sa ginagawang niyang pananakit ng damdamin ko pero ang mga alaala ng pinagsamahan namin noon ay hindi ko magawang baunin sa limot dahil ang mga alaalang iyon minsan nang naging dahilan kung bakit ako naging masaya.
"Maybe, later na lang kasi may kasama ka pa. Don't worry, hindi naman masama ang sasabihin ko dahil it's about something lang naman and I swear that it is true. Hindi naman ako magsasabi sa 'yo if it's not true, duh!" Sarkastikong wika niya sabay talikod at tuluyang umalis sa harapan namin.
Mabilis na paglalakad ni Andricia papalayo sa amin. Hindi nagtagal ay ibinalik ko ang tingin ko kina Ate Katherine na sinusundan ng tingin si Andricia, nakataas pa ang kilay niya habang si Dariel ay seryoso lamang ang mga tingin hanggang sa tuluyang mawala si Andricia sa paningin namin.
"A-Alis na tayo." Aya ko sa dalawa kong kasama. Tumango sila saka kami naglakad paalis kung nasaan kami.
Inalis ni Ate Katherine ang hawak niya sa pulsuhan ko habang si Dariel naman ay hawak pa rin ang kamay ko. Ipinulupot ni Ate Katherine ang braso niya sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako ngunit kahit malaki ang ngiti niya ay hindi ko maiwasang makita mula sa mga mata niya ang lungkot na nandoon.
BINABASA MO ANG
Threads That Bind
General FictionAdelaide Liana is an the daughter of a wealthy family, her family is an owner of one the largest farm of their province. A kind of humble, generous and sweet lady. But despite that, she thinks a lot of problems, why does she still need to undergo th...