Kabanata 15

42 3 30
                                    

(DARIEL POV)

Ang hirap isipin na ngayon ay halos lahat ng mata ng mga tao ay nasa amin ni Adelaide noong mga nakaraang araw. Dati ay nagagawa namin ni Adelaide ang mga bagay na gusto namin ngunit ngayon ay hindi na, dati ay nagagawa naming maging magdikit iyong walang malisya kapag nakikita ng iba.

Bakit ganito na ngayon? Gusto ko lang naman maging masaya kami, bawal ba iyon?

"Dariel, makinig ka nga sa akin. Hindi na dapat kayo nagkikita ni Adelaide, baka gawan kayo ng issue riyan. Hindi ka pa ba nadadala sa---"

"Kuya... Hindi kami gagawan ng issue dahil magkaibigan lang kami. Ilang beses ko ba iyon uulitin?" Putol ko kay Kuya Allerick na kanina pa ako sinasabihan na huwag masyadong maging malapit kay Adelaide.

Alam kong iba ang estado namin ngayon ng pamumuhay pero magsisikap ako para maabot ang estado ng buhay nila hanggang sa pwede na kami maging malapit katulad ng dati.

Noong una ko siyang nakita rito sa probinsya ay alam kong siya iyon. Sa mga kilos niya, maging sa pananalita niyang mahinhin at ang mga pamilyar niyang ikinikilos.

"Anong mangyayari kapag naging magkaibigan kayo? Wala naman 'di ba? Bakit ba gustong-gusto mong maging kaibigan 'yon?" Inis na tanong ni Ate Alvina, nilingon ko siya na katabi ni Nanay na galit ang ekspresyon habang nakaatingin sa kawalan.

Wala ngayon si Tatay, nasa bayan siya para bumili ng ulam namin mamayang hapunan. Nagbuntong hininga ako bago ibaling ang tingin kay Kuya Allerick na nakatingin sa sahig, inangat niya ang tingin sa akin.

"Alam niyo namang magmula bata pa lang kami ay magkaibigan na kami, noong mawala tayo ay naging mag-isa na lang siya at kailangan kong bumawi sa kanya dahil grabe ang dinanas niya noong nawala ako sa tabi niya..." Buntong hininga ko. Kasabay ng mga sinabi ko iyon kanina ay naalala ko ang nangyari noong nakaraan kung saan nag-usap kami ni Adelaide.

Naalala ko ang mga luha na dumadaloy sa makikinis niyang pisngi noong nakaraan. Ilang beses ko na siyang nakita na umiiyak noong high school. Palagi ko siyang nakikitang umiiyak dati tapos ngayon ay makikita ko na naman siyang umiiyak?

Ang ganda ni Adelaide at sa tuwing pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Sa tingin ko ay malambot ang kanyang labi na manipis at mala-rosas na kulay nito, katamtaman ang kulay ng balat niya, matangos ang ilong niya habang ang mga mata niyang kulay itim ay saktong-sakto ang hugis, mahaba ang buhok niya at may kaunting kulot sa pinakadulong bahagi.

Mayroon siyang matatamis na ngiti. Ang kanyang dalawang kilay ay makapal ng kaunti ngunit hindi siya nagmumukhang mataray, mahaba ng kaunti ang kanyang pilik mata na mas lalong nagpapaganda sa kanya. Ang ganda niya.

Noong high school kami ni Adelaide ay may mga lalaking nagkakagusto sa kanya pero nahihiyang sabihin ni Adelaide na hindi niya gusto ang mga lalaking iyon kaya sinasabi niya sa akin at sinasamahan ko siya sa mga lalaking nagkakagusto sa kaniya para may kasama siya.

"Tumigil ka nga, Dariel. Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo na pakisamahan ang Miss Adelaide na iyan kahit ang pamilya nila ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay natin. Bakit nga ba? Ano bang ginawa niyan sa'yo at ganiyan ka sa kanya?" Tanong ni Nanay kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit galit na galit sila kay Adelaide, wala siyang ginawa at wala siyang alam sa mga nangyari noon. Ni hindi nila inalam ang mga nangyari noon bago sila magsalita.

Gusto kong ipangtanggol si Adelaide sa lahat dahil wala siyang ginagawang masama sa kahit kanino. Babawi ako sa kanya. Ang hirap ng dinanas niya noong mga panahon na wala ako sa tabi niya kaya gusto kong bumawi sa kanya. Alam kong magmula bata ay maraming nananakit sa kanya kaya palagi ko siyang pinagtatanggol sa mga umaaway sa kanya at gagawin ko pa rin iyon hanggang ngayon dahil hindi pa maayos ang lahat.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon