CHAPTER 4

2.7K 70 5
                                    

Brianna POV:
            Hindi ako manhid para di makaramdam ng sakit.

Paulit ulit na pagdurog, paulit ulit na sakit. Parang nakasanayan ko na din.

"She left me, kailangan niyang pumunta sa ibang bansa kasama ang pamilya niya" sagot niya sa tanong ko "Pero nangako ako na pagkatapos kong grumaduate susundan ko siya don, hahanapin ko siya, siya ang buhay ko ang mundo ko at hindi ko kaya na mawala ulit siya at pag nahanap ko na siya. Hinding hindi ko na siya pakakawalan pa" nakangiti pero may luha sa mga mata niya nong sinabi niya to.

"Kaya ba hilig mong tumambay sa mga parks" sabi ko dito

"Oo kasi yun ang huling alaala ko sa kanya bago siya lumisan" sabi nito at tumingin sa gawi ko.

Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Kaya pala kahit anong gawin ko hindi niya ko magawang mahalin kasi may mahal na pala siyang iba. May nagmamay-ari na pala sa kanya.

Hindi na ako umimik pa at hinayaan ko na lang siya umupo siya sa isa sa mga upuang andon umupo din naman ako pero malayo sa kanya

Hindi ko alam gagawin ko pero nasasaktan ako ngayon. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa kasi nakatingin siya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak ayaw ko non.

"Uwi na tayo" sabi ko

Tumingin lang siya sa akin

"Anong oras na ba?" He ask me

"2:10 in the morning" nakangiting sabi ko pilit na ngiti pala.

"Tara hatid na kita" sabi nito sa akin.

"Ang tahimik mo ngayon Bri." Takang tanong nito ng nasakalagitnaan na kami ng biyahe

"Antok lang siguro ako hehe" tas tumawa pa ako ng peke

"Nakakapanibago" bulong nito

Narinig ko naman.

Don't worry sanayin mo kasi baka titigil na din ako sa pangungulit sayo. Pero hindi mawawala ang pagmamahal na meron ako sayo.

"Andito na tayo" sabi nito sa akin ng tumigil kami sa harap ng mansion namin.

"Thanks sa paghatid" sabi ko dito
"Mag ingat ka din sa pag uwi be safe Aerex" nakangiting sabi ko at akmang baba na ng magsalita siya

"Sorry Bri. pero hindi kita kayang mahalin pabalik" seryuso na sabi nito.

Nakatalikod ako kaya hindi niya nakita ang pagtulo ng luha sa mga mata ko, tumango ako

"3rd year naman na tayo isang taon na lang din at kalahati magiging malaya ka na. Hayaan mo muna ako papalayain din naman kita" kasabay non ng pagsunod sunod na agos ng mga luha sa mga mata ko.

"I-ingat, I love you" sabi ko kasabay ng pagbaba ko

Alam kong nakatingin siya sa akin kaya pinahid ko yung luha ko at humarap sa kanya at ngumiti ng pilit

"Sige na umuwi ka na gabi na" and I waved my hand Sabay talikod at pumasok na.

Pagpasok ng kwarto ko doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

"W-wag k-kang mag-alala Aerex kakalimutan at palalayain din kita" humihikbing sabi ko

Kinaumagahan dumeretso na ako sa school hindi na ako kumain kasi wala akong gana.

Secretly In Relationship With Campus King(SILVESTRE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon