Chapter 52

167 21 7
                                    

Wonyoung's POV

Pagkauwi ko agad akong dumiretso sa kuwarto ko at humiga sa kama ko, wala ako sa mood ngayon. Sabihin ko na kaya kay Yujin kung ano talaga kami? kaso baka pagtawanan niya lang ako at di siya maniwala

Bakit ba kasi nangyayari to eh, sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayan nakatulog na ako

Kinabukasan paglabas ko ng gate nakita ko si Yujin naghihintay, usually ako pumumpunta sa bahay nila eh

"Good morning" bati niya nang nakangiti

"Good morning, bakit ang aga mo ata?"

"Wala lang, tara na?" sabi niya at lumakad na kami

"Nga pala Wonyoung hindi ka na ba galit?" Tanong niya

"Ako galit? Hindi no"

"Ah akala ko galit ka eh kahapon kasi parang mainit ulo mo"

"Hindi nga sabi ako galit, tss bilisan na nga natin" sabi ko at binilisan lakad ko ayaw ko na magtanong pa siya



Nang malapit na kami sa room nakita namin si Juyeon sa hallway parang may hinihintay at nang makita niya kami agad siyang lumapit

"Yujin!" sabi niya habang tumatakbo palapit. Ano na namang kailangan nito?

"Oh Juyeon anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yujin

"Ah napadaan ako dito kasi habang nasa library ako  nakita ko tong nameplate mo, nahulog mo ata"

"Ah oo nga, kahapon ko pa to hinahanap eh. Salamat ha"

"Walang ano man. Uhmm Yujin free ka ba mamayang uwian? Meron kasi akong dalawang movie tickets yayayain sana kita manuod ng movie"

tss, wag kang papayag Yujinie please

"Wala naman akong gagawin so sige"

"Ayon! Sige antayin kita sa gate mamaya ha. See you later!"

"Sige see you"

Nang makaalis na si Juyeon umalis lumakad na din ako papunta sa room habang si Yujin andun pa din nakatayo

"Huy bakit bigla bigla ka naman umaalis?" sabi niya pagkaupo sa tabi ko

"Ang tagal mo kasi"





Hindi ako makapag focus sa discussion iniisip ko yung mga narinig ko kanina. May gusto ba si Juyeon kay Yujin?

"Wonyoung breaktime na, tara na" Napatigil ako sa pag-iisip nag tawagin ako ni Yujin. Sa sobrang pagkalutang ko di ko namalayan nagbell na pala

Tumayo na ako at lumakad na hindi siya pinapansin

"Wonyoung saglit lang naman hintayin mo ako" sabi niya at nagcling sa  braso ko

"Bakit ka pumayag na lumabas kasama si Juyeon?" shet ano ba tong bibig ko walang preno di ko alam pero kusa lang lumabas sa bibig ko kahit di ko sadya

"Ha? Bakit bakit mo natanong? Bawal ba?" Pagtatakang tanong niya

"Hindi naman, ngayon mo lang kasi siya nakilala tapos sasama ka agad sa kanya?"

"Sabi niya kilala niya ako dati pa kasi magkasama kami sa dance club, tsaka crush ko na ata siya" Binulong niya pa sakin yung last sentence at nagpatuloy sa paglalakad

Napahinto ako sa sinabi niya parang akong napako sa kinatatayuan ko

Bestfriend Zoned?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon