Chapter 60

152 15 0
                                    

Yujin's POV

Kinabukasan tinext ko si Juyeon na magkita kami sa garden ng school sa lunch break.

Pagka ring ng bell pinauna ko na si Wonnie sa cafeteria at pumunta na ako sa garden, pagkatapos ng ilang minuto dumating si Juyeon at nilapitan ako at niyakap

"Nag-alala ako sayo, nung pumunta ako sa bahay niyo sabi ng mom mo umalis ka daw, saan ka ba nagpunta kagabi? Hindi mo sinasagot messages at mga tawag ko" Pag-alalang sabi niya

"Sorry Juyeon kung hindi tayo natuloy kagabi may importante kasi akong ginawa"

"Okay lang, basta sa susunod magsabi sakin ha"

"I'm sorry Juyeon pero wala nang susunod"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Bumalik na lahat ng alaala ko, alam ko na lahat. Alam ko na na si Wonyoung talaga ang mahal ko"

Kita ko ang pagkadismaya at lungkot sa mukha niya pero nakuha pa din niya ngumiti kahit pilit

"Alam ko na na mangyayari din to, matagal ko na pinaghandaan tong araw na to pero masakit pa din pala"

"I'm sorry Juyeon, I'm really sorry"

"Hindi, wag kang magsorry ako tong lumapit sayo at umasa, wala kang kasalanan"

"Totoo Juyeon nahulog din ako sayo pero si Wonyoung talaga totoong mahal ko eh. Mabuti kang tao, maalaga, mapagmahal kaya masuwerte babaeng mamahalin mo"

"Ikaw sana yung babae na mamahalin ko kaso alam ko naman na kay Wonyoung ka talaga"

"Alam mo?"

"Bago sana siya umalis papuntang LA kinausap niya ako at sinabi niya sakin, actually ibinilin niya sakin na alagaan kita pero mukhang di ko na kailangan gawin yon. Masaya ako para sayo Yujin"

Niyakap ko siya ng mahigpit, nagiguilty ako, sobrang bait ni Juyeon, hindi niya deserve masaktan ng ganito

"Salamat Juyeon, salamat sa lahat, kahit papano pinasaya mo din ako"

"Salamat din sayo, nabigyan mo ako ng chance na mapasaya ka at maging parte ako ng buhay mo kahit papano. Bago sana natin tapusin to may gusto lang sana akong hilingin kung okay lang?"

"Oo naman, ano yun?"

"Puwedeng ituloy natin yung date sana natin kagabi? Kahit one last date na lang yun okay na sakin. Gusto ko lang masulit makasama ka kahit sa huling beses"

"Sige, walang problema. Sasabihin ko din kay Wonyoung"

"Salamat Yujin"


Pagkatapos namin mag-usap ni Juyeon dumiretso na ako sa cafeteria at andun na si Wonnie kausap sila Yena

"Akala talaga namin tuluyan ka na umalis Wonyoung eh" Rinig kong sabi ni Yena

"Well kung hindi dumating si Yujin baka ngayon nasa LA na ako, o love andiyan ka na pala hali ka na dito" Sabi ni Wonie at umupo ako sa tabi niya

"Buti naman at okay na kayo at balik na sa dati ang lahat"-Chaeyeon

"Oo nga kulang na lang iuntog namin to si Yujin para magising sa katotohanan eh"-Yena

"Well di niyo na kailangan gawin yun dahil bumalik na lahat ng alaala ko okay"

"Oo nga pala pano na si Juyeon?"-Chaeyeon

"Nakausap ko na siya at naging okay naman pag-uusap namin"

Bestfriend Zoned?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon