Chapter 63

120 14 0
                                    

Juyeon's POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni dad pumunta na ako sa kuwarto ko at agad kong tinawagan si Yujin at sinagot naman niya agad

"Hello Yujin? Kamusta ka? Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ko

"Medyo okay na ako" Matamlay niyang sagot

"Nasabi ko na kay dad..."

"Anong nangyari sa pag-uusap niyo?"

"Nagalit siya, sabi naman niya panindigan ko daw to at pakasalan kita, yun din naman talaga ang plano ko nung nalaman ko na buntis ka. Bukas na bukas pupunta ako diyan para sabihin natin sa parents mo. Handa rin akong tanggapin yung galit nila"

Hindi sumagot si Yujin sa kabilang linya

"Yujin? Ayos ka lang ba?"

"O-oo ayos lang ako, medyo magulo lang isip ko"

"Ah sige na magpahinga ka na, wag kang mag-isip ng kung ano ano ayoko na mastress ka. Good night Yujin" 











Yujin's POV

Gulong gulo ang isip ko, di ko alam kung ano mararamdaman ko. Panigurado magagalit parents ko at isa sa pinaka inaalala ko si Wonyoung, ano na lang ang mararamdaman niya pag nalaman niya ang kondisyon ko?

Naisipan kong lumabas ng bahay para magpahangin pero di ko namamalayan na dinala na ako ng mga paa dito sa bahay nila Wony at para bang may sariling isip ang kamay ko at pinidot ko yung doorbell at lumabas si Wony nakapantulog na siya

"Yujinnie? Anong ginagawa mo dito? Gabi---" Di ko siya pinatapos magsalita at hinila ko siya at niyakap nang mahigpit

"Anong meron? May problema ba?" Pagtatakang tanong niya

Bumitiw ako sa pagkakayakap ko at tinignan siya sa mga mata

"Mahal kita, mahal na mahal" sabi ko habang hawak ang pisngi niya

"Alam ko, at mahal na mahal din kita" pagkasabi niya non ay hinalikan ko siya na halos minuto din ang tumagal

"Lagi mong tatandaan yon ha?" sabi ko at niyakap ko ulit siya

"Oo naman! Teka nga bakit parang ang cheesy mo ngayon?"

"Wala, cheesy naman talaga ako diba?"

"Tss.. Gusto mo pumasok sa loob?" Pag-aaya niya

"Ha, wag na matutulog ka na ata"

"Hindi no! Nanunuod lang ako ng movie sa kuwarto ko. Di ako makatulog eh"

At ayun na nga andito ako ngayon sa kuwarto niya nanunuod kami ng movie, nakayakap siya sakin, sana lagi kaming ganito

"Yujinnie?" mahinang tawag niya

"Hmm?"

"Dito ka na lang matulog, samahan mo ako dito ako lang mag-isa eh umalis sila mom at dad"

"Sige, dito na lang ako matutulog" sagot ko at maya maya nakatulog na siya kaya inoff ko na yung TV niya at humarap ako sa kanya.

Ang himbing na ng tulog niya

"I'm sorry Wonnie ang dami ko nang pagkukulang at sakit na dinulot sayo" bulong ko at niyakap ko siya at hinalikan sa noo

Bestfriend Zoned?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon