Wonyoung's POV
Andito ako ngayon sa harap ng kuwarto nila mom gusto ko siyang kausapin about sa desisyon ko
*knock knock knock*
"Mom?" tawag ko at agad naman niya binuksan yung pinto
"Yes sweetie? May problema ba?" tanong niya
"Gusto ko po sana kita kausapin"
"Sige halika dito, tungkol saan yan?" sabi niya nang makaupo na kami sa kama
"Diba po dati gusto niyo na mag-aral ako sa states?"
"Oo"
"Kasi po napagdesisyunan ko na dun ko na ituloy yung pag-aaral ko" nakita ang gulat sa mukha ni mom dahil sa mga sinabi ko
"Bakit biglaan naman ata yang desisyon mo? Diba dati ayaw mo kasi andito mga kaibigan mo? Tsaka pano si Yujin?"
"Yun na nga po eh ginagawa ko to dahil kay Yujin sobra na po kasi akong nasasaktan"
"Wonyoung anak... bakit hindi mo na lang sabihin kay Yujin ang totoo"
"Para saan pa po? Iba na gusto niya, iba na mahal niya. Kaibigan na lang ako para sa kanya" Di na napigilan pagpatak ng mga luha ko at agad naman akong niyakap ni mom
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" tanong niya habang pinupunasan mga luha ko"
"Sigurado na po ako, mas lalo lang akong masasaktan pag andito ako eh, tsaka mom wag niyo po sasabihin kay Yujin ha"
"Kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipigilan"
"Salamat po mom"
"Kelan mo balak umalis?"
"Sa pangalawang bukas po"
"Agad agad?"
"Opo nakausap ko na po kasi si Aunt Tiffany sasabay na po ako sa kanya papuntang L.A at nag offer na din siya na dun ako magstay sa bahay niya"
After namin mag-usap ni mommy tinulungan niya ako mag-empake ng mga gamit ko
............
"Wonyoung salamat sa libre mo ah ang sarap nitong ice cream" sabi ni Yena habang kumakain ng ice cream
"Hinay hinay nga Yena, parang ngayon ka lang nakakain ng ice cream ha! Nga pala Wonyoung ano nga pala yung gusto mong sabihi?"-Chaeyeon
"Gusto ko sana magpaalam sainyo at sabihing mamimiss ko kayo"
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"-Yena
"Pupunta na akong L.A" nanlaki mga mata nila
"L.A as in Los Angeles?"-Chaeyeon
"Bakit?"-Yena
"Dun ko na ipagpapatuloy pag-aaral ko"
"Yun lang ba talaga o may ibang dahilan pa?"-Chaeyeon
"Para din makamove on na ako. Mas lalo lang ako masasaaktan pag andito ako"
"Nagpaalam ka na ba kay Yujin?"-Yena
"Hindi, at ayoko malaman niya kaya please wag niyo sasabihin sa kanya"
"Bakit naman?"-Chaeyeon
"Mas mabuti na hindi niya na malaman para na din maging mas madali sakin na umalis ako"
"Kelan alis mo?"-Yena
"Bukas..."
"Bukas na agad!?" sabay nilang sabi
"Oo sasabay na kasi ako sa flight ng auntie ko"
"Paniguradong malulungkot yun si Yujin"-Chaeyeon
"Girls alagaan at bantayan niyo si Yujin ha para sakin"
"Oo naman mahal namin yung aso na yun eh"-Yena
"Mag-iingat ka dun ha, mamimiss ka namin"-Chaeyeon
"Salamat sainyo sobrang mamimiss ko din kayo"
...........
Pagkatapos kong kausapin sila Yena at Chaeyeon dumiretso ako sa school, wala namang mga estudyante dahil sabado. Pumunta ako sa school gymnasium at hinanap si Juyeon
"Excuse me, andito ba si Juyeon?" tanong ko sa isang member ng basketball team nila
"Juyeon ba andun pa siya sa loob nagshoshower eh maya maya lang lalabas na yun"
"Ah sige salamat" sabi ko at umupo dun sa may bench at naghintay
"Wonyoung?" napatingin ako sa tumawag sakin at si Juyeon nga
"Uhm Juyeon puwede ba tayo mag-usap?"
"Sige tungkol saan?" Tanong nya at umupo sa tabi ko
"Gusto ko sana sabihin na alagaan mong mabuti si Yujin"
"Oo naman. Bakit mo nga pala sinasabi yan?"
"Girlfriend ko si Yujin" Sabi ko at kita ko na nagulat siya
"H-Ha? Girlfriend?"
"Alam ng ibang tao magbestfriends lang kami pero ang totoo girlfriend ko siya at alam niya yun bago pa man mawala alaala niya pero ngayon nagbago na, ikaw na gusto niya at mukhang wala na akong magagawa dun"
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"
"Nung mga time na nagising siya hindi ko alam sasabihin ko dahil wala siyang maalala, hindi ko sinabing girlfriend niya ako dahil ayoko na masyado siyang mastress kakaisip at pilitin alalahanin ang lahat. Ngayon na ikaw na gusto niya kahit masakit sakin tatanggapin ko"
"I'm sorry"
"You don't have to, wala kang kasalanan. Bukas pupunta na ako sa L.A kaya ibibilin ko sayo na alagaan mo si Yujin at wag mo siya sasaktan"
"Wag kang mag alala mahal ko si Yujin at di ko siya sasaktan"
"At isa pang favor sana sayo Juyeon"
"Ano yun?"
"Please wag mo sabihin kay Yujin na aalis ako, hanggat maaari ayokong malaman niya at ayokong maging mas mahirap pag-alis ko"
"Makakaasa ka. Mag-iingat ka"
"Salamat Juyeon"
BINABASA MO ANG
Bestfriend Zoned?
FanfictionAwit best friend zoned. Hanggang friendship na nga lang ba?