Part 5

42 15 0
                                    

Zero


Hinayaan ko ang daloy ng pangyayari. Hinayaan ko si del Ciervo sa mga ginagawa niya. Isa pa hindi naman ako ang nahihirapan, napapadali pa nga ang buhay ko. Medyo naaaliw ako, nakakalimutan ang lungkot sa pagkakalayo sa pamilya.

Nga lang sa umaga nakabantay siyang may dalang pulang rosas. Mapupuno na nga ang plorera ko sa bahay, mabuti nalang hindi naman nagtatanong si Lola. Sa tanghali may pagkain at upuan ako sa cafeteria at sa hapon nakaabang siya sa labas ng classroom.

Sa pagsimba naman tahimik lang siya bagaman nagkakatitigan kami paminsan-minsan, kita ko rin last Sunday na madalas niyang sapakin ang katabing pinsan kapag tumatawa sila.

Mas madalas ko siyang kasama, kaysa sa tropa niyang sina Jubal. Nagsesenyasan lang sina Tob at mga pinsan pag nagkikita tapos tatango at aalis na.

Hindi na nga lang din mawala sa isip ko ang nangyari sa library noong isang linggo. At hindi rin nawawala ang sagutan namin tuwing naririto sa cafeteria.

"Hindi ko gusto ang mga manloloko."

"Check." sagot niya tila ba minememorya ang sinasabi ko, kahit lagi ko namang sinasabi iyon.

"Ayaw ko sa sinungaling."

"Alright."

"Ayaw ko sa babaero at hindi nakokontento sa isa."

"Noted."

"Ayaw ko sa'yo."

"Ouch! That's so mean." he acted hurt.

Plastik akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain. Ayos din naman ang nasa paligid siya parati, hindi ko namalayang isang linggo na pala ang nakaraan at isang buwan na ako rito. Hindi na rin ako ganoon naiinip at namimiss sina Mom, Dad at Savvy. Okay din pala kapag may panggulo at kaunting destruction ka, nakakalimutan ang problema.

Para ngang nakakalimutan kong may hika ako, at nagpapagaling kaya naririto.

"Done?" he asked.

I nodded and pick up my mask to put it on again.

Naglakad na ako pabalik ng classroom pagkatapos noon ng hindi siya nililingon. As usual, he followed me until I went inside my room, susulyapan lang ako at aalis na rin.

Hindi na masama sa isang manliligaw ang ipinagtataka ko lang, wala raw siyang tumagal na niligawan. E, halos araw-araw kong sinasabing ayaw ko sa kanya, pero hindi pa rin siya tumutigil. Seryoso na ba? Parang imposible.

"Lampas ka na one weeks girl. Iba ka talaga?" si Jelai na nang-aalaska na naman.

"Titigil din iyon."

"But so far ikaw pa rin ang pinakamatagal. Pagbaguhin mo kaya?"

Napabaling ako kay Jelai galing sa notebook kong sinusulatan.

"Ha?"

"Ang sabi ko, pagbaguhin mo kaya? Malay mo ikaw lang pala ang inaantay." she shrugged.

I smirked. "Imposible iyon." sabi ko ngunit naglalakbay ang utak.

Lumabi siya at tumaas ang kilay. "Try mo lang. Alam mo noong una medyo selos ako sa'yo... Medyo lang naman." agad niyang dipensa ng mapansin ang pagkunot ng noo ko. "But now I accepted it. Hindi naman kasi malayo na magustuhan ka niya. Ang dami nga rito nagkaka-crush sa'yo pero dahil alam nilang pumuporma si Tob sa'yo, ayon tiklop."

Umawang ang labi ko sa narinig.

"Itikom mo, baka mapasukan ng langaw." si Jelai at hinawakan pa ang baba ko. Lumapit siya at bumulong. "Alam kong maraming naiinggit sa'yo rito, ikaw lang kasi ang pinormahan ni Tob ng ganoon. Hindi lang sila maka-alma kasi del Ciervo si Tob. Lahat takot sa kanya." bulong ni Jelai.

Huerta Verde #1: Our Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon