Part 53

21 7 0
                                    

Sunog


Naging matagal ang hapunan at nalihis sa ibang bagay ang usapan. Paminsan minsan pa rin nila akong tinatanong ngunit iniiwasan ang parteng tungkol sa pag-aasawa.

Nabusog rin ako dahil halos tambakan ni Tob ng pagkain ang pinggan. Nakikita ko ang lihim na sulyap ng ginang at ngiti tuwing maliligaw ang tingin niya at aabutan ang ginagawa ng anak.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang nangyayari ang lahat. Accommodating and very hospitable ang mag-asawa ngunit may kaunting parte sa kalooban kong hindi komportable. Marahil dahil pakiramdam ko na-offend ko sila dahil sa sagot kanina. But why am I guilty anyway? Iyon ang totoo, 'yon dapat ang sabihin ko. Tunay namang hindi pa talaga ako handa.

Matapos ang hapunan namaalam na ang mag-asawa. May lalakarin raw sila kinabukasan at kailangang maaga. Kaya raw pinilit rin nilang makapagdinner kasama namin ay upang makita si Tob bago umalis, matatagalan raw sila bago bumalik ulit.

Hinatid namin sila sa pinto at hinintay na makaalis.

"Come on, I'll show you something." sabi ni Tob ng mawala sa paningin namin ang kotse ng mga magulang niya.

"Ano 'yon?"

"Basta." he said then pulled me going out of his house.

Sa likod na parte ng bahay niya ako dinala at naglakad pa kami ng halos ilang metro sa madilim sa parang na may iilang punong may ilaw, hindi na abot halos ng liwanag na galing sa kanyang bahay ang parteng ito.

We stopped at a huge tree. Napakalaki ng katawan noon at may paikot na hagdang pataas. Sinundan ko ng tingin ang hagdanan at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tree house. Madilim ang sa lugar kaya hindi kaagad makikita kung hindi susundan ng tingin ang hagdang nakapalibot sa punong 'yon.

"Tree house?"

"Yup! Come here, I'll help you up." alok niya.

Hindi ako nagdalawang isip na umakyat roon at tinalunton ang hagdanang tingin ko'y may taas na labinlimang talampakan.

Nahigit ko ang hininga ng marating ang sahig ng tree house. Isang sa tingin ko'y nasa anim na metro kuwadradong bahay at may nakapalibot na sahig, may railings na nagsisilbing balkonahe noon. Purong gawa sa kahoy.

Ang puno ay mistulang pinulay at tinayuan ng bahay sa mismong gitna noon matapos putulin, hinayaan lang ang mga sanga nito sa baybay gilid ng bahay na tila nagbibigay disenyo at pantakip mula sa ibabang bahagi noon kaya hindi agad makikita kung medyo malayo.

"Wanna see inside?"

I nodded then take a peak as he opened the door.

My mouth formed an O when I saw the cute design. May bintana ang maliit na bahay. Kahoy ang bubong noon ngunit may animo'y metal sa ibabaw, marahil para hindi mabasa kung umuulan. 

Sa loob nama'y tila kurtinang nakadisenyo ang nasa ibabaw ng pangdalawahang kama. May maliit na coffee table at dalawang upuan. Very simple yet captivating.

Kaya lang napako ang tingin ko sa aparato malapit sa bintana. Nilapitan ni Tob 'yon at binuhat upang ilabas.

"This is the highlight." sabi niya habang dala ang malaking telescope. "May makikita tayo kung dito sa loob pero mas maganda sa labas. Much wider view." dagdag niya at nilapag ang hawak.

Nailipat niya sa labas 'yon ng walang kahirap-hirap.

Pinanood ko siya habang inaayos ang telescope at sinisipat kung saan may magandang view ng mga bituin.

Huerta Verde #1: Our Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon