Ending

45 6 0
                                    

Ending na po. Sana po nagustuhan ninyo ang story nina Tob at Selene. Sana napaibig rin kayo gaya ng pag-ibig nila sa isa't isa. Na daanan man ng bagyo, nanatiling nakatayo sa bandang huli at hindi sumuko.

Enjoy reading.

----------------------------

Love


"You'll have your match." sumpa sakin ni Miss Padua.

Ngumisi ako at lumapit pa lalo sa kanya. Huling araw niya ngayon sa HVC at nakuha pa akong daanan para lang sabihan ng walang kuwentang bagay!

"That'll never happen. Hindi pa pinapanganak ang kakaya sa'kin." mayabang kong banat.

Sanay na sakin ang mga teachers dito sa HVC, ewan sa kanya at hindi na nasanay na hindi ako nakikinig sa klase niya. Kung 'yung ibang teacher nga binabalewala nalang, siya lang itong puro ang parusa sa'kin ke'bago-bago hindi marunong tumingin kung sinong binabangga.

Well, I'm not bragging but this whole Huerta Verde was owned by my grandparents. May iilang lupain na hindi kanila, pero sakop pa rin ng kapangyarihan nila.

Even this school was built by them. Hindi pa ako pinapanganak ng itayo ito. At palagi nilang sinasabi sa'kin na ako ang magmamana ng lahat ng 'to. So why do I need to study? I already had a future ahead of me. Alam ko na kung saan ako mamamalagi.

Hindi naman ako mag-sa-scientist at astronaut para magpakahirap pag-aralan ang science at kalawakan. I'm not gonna write a novel or poem to study english and tagalog language. Marunong na akong magsalita no'n kaya bakit pa? At ang pinakamalupit, hindi naman ako babalik sa nakaraan para maging interesado pa ako sa history ng bansa. I'm living at the modern century, no need for that.

Others may think that I'm brat but I can proudly say that I'm not the worst.

Maayos ako sa bahay, sumisimba at nakikisalamuha ng maayos kung may bisita sa bahay.Hindi ko lang talaga maiwasang maglaro sa paaralan. Typical teenagers, happy go lucky like they say.

Pero hindi ako sa party. That's on the side of my plate. Mas natutuwa ako sa mahihinhin at akala mo ang titinong babae.

Acting hard to get but later on, bibigay rin.

Hindi ko na matandaan kung kailan kami nag-umpisang magpustahan ng mga pinsan ko, pero hanggang ngayon ginagawa pa rin namin na kami lang ang may alam. Hindi lumalabas. Lahat ng estudyante dito takot sa'min kaya sinong maglalakas ng loob na sabihin sa babae na pinagpustahan siya.

O yung iba nga yata may clue na, nagpapaloko pa rin.

School is like a playground for me. There is where I can be who I truly am.

Matino ako sa bahay at simbahan at hindi ako nagpapanggap ro'n, pero hindi ko maikakailang may likot akong alam.

Everyone had a skeleton on their closets, anyway.

Suwerte ko lang wala sa'king lumalaban at nanghahalungkat.

"Kaya mo, Tob?" hamon sa'kin ni Gino.

Nakakita na naman sila ng demure na babae. Bagong lipat raw sa HVC.

Actually I saw her twice. In the church with Lola Alejandra. Kilala ko siya kasi matagal siyang naging teacher sa HVC noon. Kilala rin siya nina Lolo at Lola.

Hindi ko nga lang nakitang dumalo sa anumang pagtitipon dito sa'min. O baka dumadalo pero wala akong pakialam.

"Sabihin mo sa'kin, kelan ako walang kinaya?" mayabang kong tanong, pabulong.

Huerta Verde #1: Our Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon