Part 21

25 9 0
                                    

Died


Hindi lang sampong beses na naulit ang mga paalaala nila bago kami tuluyang nakaalis ni Tob sa bahay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Sakay na kami ng sasakyan niya, tinatalunton na ang makahoy na lugar ngunit tanaw ang plantasyon nila ng rosas. Itinuro niya iyon kanina. Ang gaganda. Iba't iba ang kulay pero malamang ang pula.

Dumaan rin kami sa hindi patag na lupang daan ngunit pino ang damo at tanaw ang napakalawak na lupain nilang maraming punong kahoy at namumungang puno.

Nakakarelax ng mata ang purong luntiang tanawin sa lugar. May farm rin doon na maraming kabayo. Sabi ni Tob marami pang hayop roon kabayo nga lang ang nasa labas kaya iyon ang nakita ko.

"You'll see." sagot niya.

Palagay ko nasa tatlumpong minuto na kaming nananakbo. Hindi pa fully developed ang daang tinatahak namin kaya may nadadaanang madamong lugar.

"Malayo pa?" tanong ko ulit.

Hindi naman sa naiinip pero parang ganoon na nga.

"Mapapit na."

Ilang sandali pa itinigil niya ang sasakyan sa tabi ng ilog. Huni ng ibon ang sumalubong sa amin ng buksan ko ang pinto. Mabilis siyang umikot pagkababa ngunit hindi na ako naghintay na buksan niya iyon.

Malamig na simoy ng hangin ang una kong naramdaman sa aking mukha. Lagaslas ng tubig ang sumalubong sa aking pandinig.

Nasa paanan kami ng hindi lubha ngunit may kataasang bundok at may tubig na naggagaling sa tuktok noon, patuloy ang agos sa kung saan kami nakaparada.

May gazebo na puwedeng upuan sa lugar at pantay ang pinong damo sa lupa na tila isinabog at pinitpit upang walang lumutang ni isang piraso.

May mga bulaklak namang ligaw sa kabilang dako. At may mga batong parang sinadya ang salansan sa maliit na ilog kung saan kami nakatunghay ngayon.

"Ang ganda." sabi ko habang binubusog ang mata ng tanawin.

Tanaw rin ang napakahabang bulubundukin na pawang maasul na berde ang kulay. Mapuno din sa lugar na sapat upang maging malilim ang kinatatayuan namin kahit halos alas diyes na ng umaga at mataas na ang araw.

This is the scenery I mostly saw on paintings and now it materialized in front of me.

"Mas maganda sa ibabaw ng bundok kaya lang hindi ka puwedeng mapagod kaya dito nalang tayo." sabi niya.

Tumingala ako sa bundok. Curiosity attacked me, ano kayang mayroon sa itaas noon?

Kaya lang may kataasan nga kaya siguradong pagod ako bago makakalahati ng akyat roon.

"Upo tayo?" yaya niya sa gazebo.

Tumango ako at naunang maglakad ng maglahad siya.

"Sa bahay sana kita dadalhin kaya lang, baka ngayon ka lang payagang sumama, kaya dito nalang muna." sabi niya ng makaupo kami.

Natawa ako. "Bakit mo naman ako dadalhin sa inyo?"

"We're friends remember? I met your family, you should meet mine as well."

Nag-init ang pisngi ko. Masyadong gamit sa kanya ang linyang iyon, ah.

"Paano mo napapayag sina Mommy na sumama ako rito?" pagsasatinig ko sa kanina pa naiisip.

"Mahalaga ka sa kanila, gusto nila sumaya ka."

"Sagot ba iyon sa tanong ko?" lito kong tanong ulit.

Huerta Verde #1: Our Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon