"Pagbilang ko ng tatlo, dapat nakatago na kayo! 1.....2.....3...."
Sabi ng batang nakasalubong ko. Tssss, Mga bata talaga kahit kelan walang kasawa sawa sa larong Tagu-taguan hahaha, Naalala ko tuloy nung bata pa ako :)))
Hay nako bago pa ang lahat, Kaylangan ko nga umalis dito sa kinatatayuan ko at baka malate pa ako sa pasok ko..
"Ate, Excuse me po."
Hayssss! Ang kulit talaga netong mga batang 'to! -.- Ang lawak ng daanan bakit dito pa talaga nila gustong dumaan kung nasan ako, Basagan talaga ng trip? Sheeeeeeeet.
Alam ko na. Gagawin ko BWAHAHAHA. Tutal kilala naman ako dito sa lugar naman, May naisip akong solusyon para matigil muna 'tong mga bata sa pag'harang sa dinadaanan ko >:')
"HOY MGA BATA! tara dito may kendi ako!"
Sabi ko sa mga bata habang kinakawayan ko sila..
At yun nagsilapitan na nga sila! :))))))
"Ate cindy! Asan na po yung candy?"
"Pengeeeeng candy! Kahit isa lang!"
"Dali na po ate! Pengeeeeeee"
Atat talaga tong mga chikitings na ito -.- Haysssss.
"Halika ka dito Collin! Sayo ko ibibigay ang first candy.."
At ayun! Lumapit na nga si Collin. Ang gwapong bata talaga netooooo. GRRRR! Ang cute nya :)) Hep! hep! May reason po kung bakit ko s'ya tinawag nuh.
Inabot ko na yung candy kay collin, sabay sigaw sa mga batang kasama nya ng....
"Dali! Pila kayo dito... Straight line huh?"
Wahahahaha! Uto uto talaga mga bata :)))) Paniwalang paniwala sakin :)))
Yung nakapila na nga sila tapos umatras ako ng unti sabay sigaw na...
"Pikit kayong lahat..." WAHAHAHA. I'm such a tease eh :P
Booom! Pumikit nga sila, Mga 8 ata silang magkakasama eh. Sabay tinawag ko si Collin..
"Collin, Tara dito!"
"Bakit po ate cindy? Akin na po yung candies nila, Ako na po magbibigay.."
"NO WAY HIGHWAY BABY BOY :))))" Tanging sagot ko sa batang si collin.
"Game na! Nakapikit na kayo diba so, KAPAG DUMILAT KAYONG LAHAT MAY CRUSH KAYO KAY COLLIN!"
WAHAHAHAHA! I'm such a troll. Poor babies. Napag-tripan ng ate cindy :)))
"Tssss. Walang akong candy! Joke lang yun. Sige kayo kapag dumilat kayo, May crush nga kayo kai collin!"
"WAAAAAA!? Ate cindy!!!!"
"MADAYA KA!!!!"
"PANO NA TAYO MAGLALARO NETO?!"
Naguusap usap na nakapikit yung mga bata wahahaha. Hays maiwan ko na nga sila, Late na talaga ako! Nakipaglaro pa kasi ako tsssss.
5 YEARS LATER.
Bumalik ako sa park na yun kung san naglaro yung mga chikitings na yun. Grabe! Yun talaga laging naiisip ko kapag bumabalik ako dito sa park. HAHAHA! Pano ba naman, Madaming nanay ang kumatok sa bahay namin nun kinagabihan..
Pinagalitan nila ako! :)) Lakas daw ng trip ko, Nadatnan daw nila yung mga anak nilang nakapikit kahit gabi na! Gara nuh? Masunurin silang mga bata wahahaha. Pero, naisip ko lang.. May bata kayang dumilat nun nung pagkaalis ko? Tsss. Nakaka'curious lang kasi eh.
EWWWW. Ano ba 'tong mga couples dito sa park! Naglalandian! Aysheeeet. Kawawa naman 'tong park ginawang landian park lol.
Makaupo na nga lang dito sa bakanteng bench..
"Hi ate cindy!"
"Ay palakang malande!" Eh! Kasi naman nagulat ako! -.-
"Hehehehe... Kamusta ka na po, Ate?"
Huh? Do I know this guy? -.- Bakit kilala n'ya ako? Tapos makatawag pa ng ate ha. Close ba kami?
"Eto po ate, Kunin mo..."
Nyeeeee? Ano 'to?! Kendi? Para san? -.-
"Huh? Candy? Ano gagawin ko dito? Saka teka, Sino kaba? Magkakilala ba tayo?"
"Hahahaha! Talaga 'to si ate cindy. Nakalimutan mo na agad yung tatak ng candy na yan?"
Huh? Candy na 'to? Familiar nga sakin. Teka! Tama ba 'tong iniisip ko? -.- S'ya ba si COLLIN?! O.O
"COLLIN?!"
"Tumpak ka ate! Nang dahil sa kendi na yan nakilala ko ang babaeng mamahalin ko ng habang-buhay..."
Ang gwapo pa din talaga netong bata 'to! Grabe! I can't believe teenager na din pala 'to! HAHAHA. Pero, Babaeng mamahalin? Ano yun? o.O
"Huh? Bakit? Paano?" tanong ko naman agad sa kanya.
"I owe you alot ate. Without that nonsense joke, I guess hindi ko nga talaga makikilala s'ya.."
"What?! You mean! May dumilat nung day na nag-biro ako ng walang kawenta wenta?! O__O OHMYGULAAAAAAY!"
"Tama ate. Si Sheila po, Nakita ko s'yang dumilat nun, Namumula nga po s'ya nun eh. Kinikilig ata hahaha, Ngayon ate, 1 year na po kaming in relationship.."
"Grabe?! Totoo ba yun? Wow! Akalain mo nga naman oh! HAHAHAHA"
Wala akong masagot, Spechless eh. Talagang may dumilat nga nung araw na yun! Weird diba? O.o Nakakatuwa diba?! :)))))
"Hoy collin, Ako nga try mong ganunan dali! Wala pa akong labblyf eh. Tawagin mo yung mga gwapong guys dun oh?!"
"Hahahahahaha! Sige po ate!"
Tsssss. Weird ba? Oo alam ko, Hindi ko maexplain yun nararamdaman ko. Dahil sa stupid joke ko na yun ay may nagkaaminan pala! Take note! Bata pa lang yun mga yun ha. Gumaganun na noon! :))
Well, Simula ngayon lagi na akong magpapabiro sa mga friends ko ng "Kapag Dumilat ka crush mo si....."
THE END<3
![](https://img.wattpad.com/cover/3574676-288-k771510.jpg)
BINABASA MO ANG
"Kapag Dumilat Ka Crush Mo Si ........."
Short StoryChildhood saying 'to diba? :) Oooooopsieeee. Dahil ata sa akin may nag-kainlabban?! o.O (*Short Story po ito. Sana po basahin n'yo, Thanks!*)