⚠️WARNING:
You may encounter vulgar word, grammatical error and some typos word. Intindihin nyo nalang yung Author. Medyo lutang.Zenesthria's POV
"THIS way Sir". Guess what? Andito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant kasama ang bwesit kung boss.
I don't have any choice kung hindi ang sumunod sa kanya. Mukhang hindi sya nagbibiro dun sa eat eat na yun. God! Grabe yung pag-pula ng pisngi ko kanina dahil sa sobrang hiya. Pero yung g4go! Tinawanan lang ako. Akala nya nakaka tuwa yung sinabi nya. Sarap ipalapa sa Wolf.
Sumunod nalang ako sa waiter habang pinapatay sa isip ko si Xhairo. Napa-tigil nalang ako sa pagpatay sa kanya nung nilbot ko yung buong paningin ko sa Restaurant. Agad naman akong napa-yuko dahil sa hiya. God! Ako lang ata dito yung nakapang-bahay tapos pang tulog pa! Lahat kasi ng mga tao dito naka-suot ng mga Formal Attire halatang pang mayaman yung restaurant. Pag dinikit ako sa kanila. Parang yung natutulog ka tapos tumawag bigla yung barkada mong demonyo para gumala pero dahil sabog ka, di ka na nakapag-bihis at pumunta sa galaan ng naka pantulog! Leche kaseng lalaki to eh! Bigla bigla nalang sumusulpot. Di ako alam kung anong trip nito eh. Madami naman syang pera, pwede nga syang mga Trip around the World eh. God! Pigilan nyo ko mapapatay ko to.
Tumungo kami sa isang Garden at napa-nganga nalang ako sa sobrang ganda nung lugar. Ang daming roses na naka-tanim at madaming mga Christmas Light ang nakalagay sa paligid na mas lalong nakakadagdag ng ganda sa lugar. Nakaagaw ng atensiyon ko ang isang lamesa na may isang tangkay ng roses, may kandila sa gitna, may mga Plato, Kutsara, Wine Glass, Tinidor na parang niready talaga para sa isang Date.
Agad akong namula. Grabe naman pala tong mag effort si Xhairo ng dinner. Parang hindi na to Dinner, parang Date na to. Akala ko puro lang ka demonyohan alam nito, may ganto den naman pala syang side. Tumingin naman ako sa kanya habang naka-ngiti.
"Thank you". Naka-ngiti kung sabi sa kanya pero tiningnan nya lang na parang nagtatanong.
"Huh? What do you mean by Thank you?". Naguguluhan nyang tanong saken. Tumawa nalang ako ng kunti dahil nagpapakipot pa sya.
"Thank you dahil nag effort ka pa talaga kahit dinner lang to". Naka-ngiti kung sabi sa kanya. Naramdaman kung may tumulong luha sa mga mata ko. Ito ba yung sinasabi nilang tears of joy?
Narinig ko naman syang tumawa ng bahagya kaya natawa na den ako. Sobrang saya ko ngayong Gabi kahit kanina sobrang naiinis ako sa kanya. Mabuti nalang at bumawi sya. Pupunta na sana ako dun sa lamesa ng hawakan nya yung braso ko.
"What?". Tanong ko sa kanya tsaka tiningnan yung kamay nyang nakahawak sa braso. Agad naman nagsitaasan ang dugo ko sa pisngi ko.
"Woman, we're here to see my friend and we're eating to his office". Agad naman akong tumingin sa kanya at nalaglag ang panga ko.
"H-huh? Y-you mean hindi y-yan sa atin?". Tinuro ko agad yung lamesa. Narinig ko nalang syang tumawa. Tumingin naman ako sa kanya.
"HAHAHAHA Woman! What do you expect? We're here to eat in that place?". Tinuro nya pa yung lamesa habang tumatawa. "HAHAHAHA yeah! We're going to eat but not here! HAHAHA". Para akong nalusaw na ininit Butter sa Pan dahil sa sobrang kahihiyan.
WAAAHHHHH! SOBRANG KAHIHIYAN NA ANG DALA NG PAGIGING ASSUMING MO ZENESTHRIA! NAKAKAHIYA KA TALAGA! WAAAAHHHH! MAMAAAA!
Agad naman akong yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Lecheng buhay to! Narinig ko pa ding tumatawa si Xhairo kaya tiningnan ko sya ng masama.