Panimula

128 3 4
                                    

PANIMULA

Maingay...magulo...masaya. Iyan ang mukha ng Senang Hati Music Lounge tuwing gabi. Bonggang tambayan ito ng mga kabataan, feeling kabataan, at mga empleyadong gustong mag-happy-happy muna pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho.

"A place where you find your happiness."

Iyan ang bonggang mensahe sa electronic billboard na bumubungad sa lahat ng customers ng Senang Hati pagpasok pa lang nila sa malawak ng parking lot doon. At sa loob ng limang taon, napatunayan na ng half-Filipino, half-Indonesian na may-ari ng lounge na totoong sa lugar na ito, matatagpuan ng kanyang mga customers ang kanilang happiness. Naging diwang-saksi na ang lugar na ito sa sandamakmak na wedding proposals, lovers' dates, lovers' quarrels and reconciliation, at sari-saring pa-sweet ng mga nabiktima ng pag-ibig. Marami-rami na rin ang mga love story na sa lugar na iyon nagsimula at na-develop.

Wala naman talaga sa plano ni Earth na maging lungga ng mga lovers na mahilig sa gimik ang kanyang negosyo. Pero dahil sa pangalan ng lounge at ng Infinity Band na resident performer doon, dinayo ng mga taong "inlabo" ang Senang Hati. Kaya sa bandang huli, pinangatawan na lang niya na ginawa ang Senang Hati para sa mga taong naghahanap, naghihintay, at kasalukuyang nag-e-enjoy sa kanilang love life.

Kahit si Earth, itinaas na niya sa mga bituin salangit ang hiling na pati siya, bagsakan sana ng matinong love life sa loob ngkanyang bar. 

Senang Hati Music Lounge: Infinity BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon