Part 1
NIYAYA ni Nathan ang best friend at co-partner niya sa negosyo para pumunta sa Senang Hati. Noong nakaraang Linggo ay napadaan siya sa Music Lounge na iyon at natagpuan niya ang dalawang babaeng natipuhan niyang kuning modelo. He's one of the people behind the famous Keithan Apparels that was known for exquisite stylish garments for men and women. Isinama niya si Keijin para hingin ang opinion nito.
"Pare, papatayin ako ni Opalyn kapag nalaman niyang ito ang business affairs na ipinagpaalam ko sa kanya. Baka isipin niya nambababae ako, eh, kakakasal lang namin," litanya ni Keijin.
Siniko niya ito. "Relax ka lang, dude. Sa bait mong iyan, hindi ka naman pagdududahan ng misis mo. At saka, business naman talaga ang ipinunta natin dito," paliwanag ni Nathan. "See that two gorgeous ladies on stage?"
May dalawang babaeng miyembro ang Infinity Band: si Marie na kasalukuyang tinitipa ang kanyang bass guitar at si Penpen na nagdagdag sa enchantment sa performance ng banda dahil sa violin nito. The band was playing their version of Far Away of Nickelback.
"Sabi ko na nga ba. Girl hunting lang ang gagawin mo rito, Nathaniel," napapakamot sa ulong komento ni Keijin.
"No man, look at them. That's Marie, the guitarist and Penpen, the violinist." Binalingan niya ang stage. "I think they are perfect for our next wedding magazines and brochures. Isusuot nila ang bagong wedding gown creations mo. Ano sa tingin mo, pare?"
Mataman ding tiningnan ni Keijin ang mga ito. "Hmm...puwede. Ipapa-train na lang natin sila sa kapatid mo. Ang tanong, mapapapayag mo ba ang mga iyan na mag-model sa atin?"
"Believe me, kaya ng convincing power ko iyan." Tinapunan ulit ni Nathan ng tingin ang dalawa lalo na si Marie. "New unique faces, new looks, new images of women. Perfect! Lalo na iyang gitarista nilang iyan, very different!" And she's so pretty in all black dress. Elegant. Chic. Lovely.
Napatitig lalo siya kay Marie. Nakasuot ito ng itim na halter type na dress at boots, soft-curled ang may kahabaang buhok at nakasabit sa balikat nito ang bass guitar. It was undeniable. The woman has a strong image, a good catch for a model.
"Ibang tama na ata iyan, pare!" naiiling na sambit ni Keijin.
"Sus! Tigilan mo nga ako, Keijin. At baka topakin ako't masabi ko sa asawa mo na nag-girl hunting lang tayo," biro niya.
"Ang sama mo!" buska nito.
Kinabukasan, mag-isang bumalik siya sa Senang Hati para kausapin nang personal sina Penpen at Marie. Una niyang nakausap ang doctor. Agad naman pumayag si Penpen sa alok niya. Kaya ngayon, ang hinihintay naman niya ay si Marie. Nagtiyaga siyang maghintay sa hallway malapit sa pintuan ng dressing room ng performers ng bar. Maraming binata ang andoon na may bitbit na bouquet of flowers. Mukhang aakyat ng ligaw ang lahat maliban sa kanya. Marahil ay parokyano na ng bar ang mga iyon at nagtatangkang maniligaw sa dalawang hija ng Infinity Band. At dahil tapos na ang show, dumadami na ang taong nagsisiksikan sa hallway dahil doon din kasi ang daan papunta sa CR.
Lumabas na sa wakas ang Infinity Band. Kanya-kanyang abutan ng bulaklak ang mga binata kina Penpen at lalo na kay Marie na may nakasakbat na gitara sa balikat. Sinubukan niyang harangan si Marie. "Excuse me, Miss Salavrin—"
Pero dahil sa rami ng tao roon, hindi ata siya narinig nito kaya basta lang siya nilagpasan. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay hinila niya ang kamay nito dahilan para balingan siya nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na eksena. May tumulak sa kanya at may tumulak din dito kaya 'di sinasadyang naglapat ang mga labi nila. It was just a quick unplanned kiss on lips but seemed like everything around them vanished for a second. Alam niyang mali pero hindi niya itinanggi sa sariling nagustuhan niya ang malambot na labi nito.
BINABASA MO ANG
Senang Hati Music Lounge: Infinity Band
Romance"A place where you find your happiness." Iyon and nakalagay sa billboard sa labas ng Senang Hati Music Lounge, isang bar and resto na pagmamay-ari ni Earth Losin. Isang lugar na maingay, masaya, at magulo. Isang lugar na diwang-saksi sa iba't iba...