Saranghae Part 1

26 0 0
                                    

Part 1

"NAN no ege man i bo go ship o, Jhamo-a!" Hindi pa rin mapuknat ang pagkakatitig ni Vanessa kay Jhamo habang abala ang binata sa pagtugtog.

Pangatlo ng kanta ng Infinity Band. Hyper na hyper pa rin ang buong Senang Hati. At kahit nagtutunog-EMO na ang banda sa version nila ng My Heart na pinasikat ng Paramore, para kay Vanessa tila love song pa rin ang dating ng keyboard ni Jhamo. Ang violinist na si Doc Penpen na ang kumakanta ngayon.

Siniko siya ni Cryzty. "Oy, ate! Nag-iibang lengguwahe ka na naman diyan. Nasa Pilipinas ka na po. May hang-over ka pa ata ng Korea ngayon. Baka akalain ng mga tao may kasama akong elyen dito."

"Ikaw naman, na-carried away lang naman ako. Totoo naman kasi ang sinabi ko. I miss you so much, Jhamo-a!"

Mag-iisang linggo palang siyang nalalagi sa Pilipinas pagkatapos ng higit tatlong taong pagtatrabaho sa South Korea bilang tourist guide. Dahil din sa pagsusumikap niya roon at sa tulong na rin ng isang kaibigang piloto, nagawa na rin niyang magpatayo ng sariling travel and tours agency sa Laguna.

High school pa lang siya ay may huge crush na talaga siya kay Jhamo na pianista sa simbahan nila. Ngunit ni minsan ay hindi niya nagawang lapitan ang binata noon kaya nahusto na lang siya sa pagtitig mula sa malayo. Hanggang sa tadhana na rin ang nagbigay ng chance sa kanya. Mahigit isang taon na ang nakararaan nang magbakasyon si Jhamo at mga magulang nito sa Korea at siya ang naging tour guide ng mga ito.

Naging malapit sila sa isa't isa na nauwi sa isang magandang relasyon. Ngunit dahil ilang linggo lang sa Korea si Jhamo, hindi nila ginawang pormal ang kanilang ugnayan. Iniasa nila sa destiny ang lahat. At ngayong nagbalik na siya sa Pilipinas at nakita na niya itong muli, tutuparin nila ang deal.

"Mag-aalok ka talaga ng kasal, ate? Sa tingin mo ba, maaalala ka pa niya, eh, parang short time love affair lang iyong nangyari sa inyo sa Korea. Baka naman saktan ka lang niyan ha."

"May deal kami, Cryzty. Tutuparin ko lang ang deal namin. Kung tanggihan niya iyon, wala na sa akin ang problema." Bigla niyang naalala ang eksaktong sinabi ni Jhamo noon bago sila maghiwalay.

"Kung magkita ulit tayo sa Pilipinas, ibig sabihin noon ako ay para lang sa 'yo at ikaw, sa akin ka lang," sambit ni Jhamo habang hawak ang kamay niya. "Kapag nakita mo ako, lapitan mo ako. Alokin mo pa ako ng kasal kung gusto mo. Believe me, Vanessa, I will never think twice of marrying you."

At hanggang ngayon pinanghawakan niya ang sinabi nito. Ang totoo, pinaghandaan niya talaga. Siya na mismo ang nag-asikaso sa City Hall ng mga papeles na kailangan para sa nalalapit nilang kasal. Pirma na lang ng binata ang kulang. Gano'n siya katiwala sa sinabi ni Jhamo noon.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos si Penpen sa pagkanta. "Ahm, itong next song, ipapaubaya ko muna ulit kay Ross. Para naman ito sa special girl ni Jhamo."

Naghiyawan ang mga babae samantalang siya, parang naestatwa sa kinauupuan niya. Ako ba iyon? Natuklasan na ba niya na andito na ako?

Hinagip ni Jhamo ang mic na nasa tapat ng keyboard nito. Ito rin kasi ang nagse-second voice kay Ross kapag kinakailangan kaya naka-ready rin ang mic sa tabi nito.

"I met a special girl in Korea last year. But unfortunately, I haven't seen her or even communicate with her for almost a year now. I would admit guys, I'm longing for her love."

Biglang sumikdo ang puso niya. Napatitig na lang siya kay Jhamo. It was obvious that he was talking about her. He still looked debonair even with his "rakista" outfit. Gano'n ata talagang pumorma ang binata kaya sanay na ang mata niya sa hitsura nitong poging adik-adik. Ang hinihintay niyang makita ay ang Jhamo na nakasuot ng puti at rumoronda sa hospital wards. Isa kasi itong nurse sa isang pampublikong hospital at hindi pa niya ito nakikita sa gano'ng estado.

Senang Hati Music Lounge: Infinity BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon