Just One Kiss From You Part 2

31 0 0
                                    

Part 2

I'M PROPOSING a marriage to someone I just met the other night. I'm offering my life to a very eccentric woman that has superb talent in music and out-of-this-world abilities. 'Nang ko po! 'Di kaya namamatanda na nga ako? Kulang na lang ay ipukpok niya ang ulo sa hamba ng crib sa sobrang gulo ng isip niya. Halos hindi siya nakatulog sa kaiisip sa mga natuklasan niya kay Marie nang nagdaang gabi. Napanganga siya at napa-wow nang magpakita pa ito ng magic tricks sa kanya at nang bigyan siya nito ng isang basong tubig gamit ang telekinesis.

Binalingan niya ang bata na nasa crib. Katatapos lang niyang palitan ng diaper at padedehin ang bata. Abala na ito sa paglalaro ng mga toys na binili niya.

"Tomomi, give me a sign baby. Do you want your tatay and nanay to get married?" tanong niya sa bata kahit alam niyang hindi naman sasagot ang bata. Hindi pa nga ito nagsasalita.

Natahimik siya nang titigan siya ng bata. Pawang nanglilimos ng pagmamahal ang inosenteng mga mata nito. Naantig ang puso niya. Masuwerte kang bata ka at sa amin ka napunta. Hindi kami magkukulang ng pagmamahal sa iyo. Itaga mo sa bato iyan, anak. The baby extended her arms to him as if asking him to carry her. Agad niyang binuhat ang bata. Tumawa ang bata nang mabuhat niya. "Anak, is that a sign?" Tumawa ulit ang bata. Nangingiting pinugpog niya ng halik ang bata.

Mag-isa lang siya sa bahay ni Marie dahil kailangan nitong pumasok sa opisina. Nalaman niyang maliban sa pagiging bassist ng Infinity Band tuwing weekends sa Senang Hati, isa rin pala itong IT specialist at videogame creator. Ang ilan pala sa mga games sa PSP niya ay ito ang gumawa lalo na ang Into the Darkness na siyang paborito niya. Iyon lang naman ang tumalo sa Final Fantasy Core Crisis sa sobrang astig. At maliban pa roon, ang pamilya nito ay may ari ng isang kakaibang sementeryo sa Tarlac, ang Rest My Heart Cemetery na una na niyang narinig sa kaibigang si Keijin. Libingan ng mga bagay at emosyon daw ang cemetery na iyon.

Nag-ring ang cell phone niya at si Keijin ang caller.

"Nasaang planeta ka, Nathaniel Cerio? Alam mo bang ikaw ang hinahanap ng mga kliyente natin dito? Wala akong maibigay na dahilan sa kanila," agad na tirada ni Keijin.

"On the record, 'tol andito pa ako sa Manila. I'm with my future wife's house. At 'wag kang mag-alala, alam ng secretary ko kung paano pakikiharapan ang mga kliyente ko."

"Ha? Will you kindly expound your explanation? Akala ko magulo lang magkuwento si Mhads pero totoong magulo ka palang kausap ngayon. What's with you, Nathan? At bago ko makalimutan, umalis na ng bansa ang kapatid mo. After six months na raw siya uuwi."

Napabuntonghininga siya. Dahan-dahan niya munang ibinalik sa crib ang bata bago kausapin ang kaibigan. "Okay. Listen, man. I'll be getting married this coming Saturday at Himalayan Resort. Civil wedding iyon. Remember the bassist of Infinity? Siya ang pakakasalan ko. Kindly prepare a white gown and suit for us, please. And by the way, I also need a cute white dress for a four to five months old baby. That's for our baby."

"What?! Ano iyang sinasabi mo?"

Inabot pa ng katakot-takot na paliwanagan bago pa niya napaintindi sa kaibigan ang sitwasyon niya.

Until the wedding day came. They got married and decided to live in one home, his home. Wala naman silang problema nang mga sumunod na buwan. Naging mapag-alaga silang magulang kay Tomomi at naging mabuting magkaibigan din sila ni Marie. Masarap itong maging asawa dahil hindi nagkukulang sa pag-aasikaso sa kanya. Kaya hindi imposibleng mahulog ang loob niya dito. Nagsimula na rin nga siyang maging malambing dito.

Sinubukan nilang pag-aralan ang mahalin ang isa't isa. Sinasanay nila ang mga sarili sa presence ng isa't isa lalo na't magkasama sila sa iisang silid, natutulog sa iisang kama, at higit sa lahat, legal silang mag-asawa. And so far, they enjoyed being together. Maraming bagay silang napapagkakasunduang dalawa. At marami rin silang napagkakatuwaang gawin. Isa na roon ang pagtawag sa isa't isa ng hubby at wife para palagi nilang maalala na mag-asawa sila.

Senang Hati Music Lounge: Infinity BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon