Chapter 4

17 4 0
                                    


Sehun's POV

"Oh tara na pre gumising ka na dyan nandito na tayo" tinapik tapik ako ni Suho para magising ako.

"Ah nandito na tayo?! Sige una na kayo baba na ako" sabi ko pagkamulat ko.

"Sige kita kita na lang tayo sa loob. Nauna na sila dun eh. Mauna na ko ah" sabi ni Suho at pumasok na sa loob. Ako na lang ang natira dito sa van.

Lumabas na ako sa van at pumasok ba sa mall. Nagwindow shopping lang ako. Nakita ko din dun sa department store sila Luhan at Kris namimili ng mga damit.

"Oh pre nandyan ka pala" bungad ni Luhan.

"Hindi nandoon pa ako sa van picture ko lang to" sarkastiko kong sabi sa kanya. Napairap lang siya.

"Bro we gonna pay this you'll wait for us huh?! ang haba ng pila eh" sabi ni Kris. Tumango lang ako at naglibot libot.

Pagkatapos nilang bayaran ay pumunta na kami sa arcade. Lahat daw sila nandun dahil ayun ang paborito naming tambayan.

Kanya kanya run kami ng ginagawa dito. Yung iba nagtetekken, yung iba dun sa basketball, yung iba naman nasa videoke at ang iba sa iba pang laro. May balak pa nga sila sumakay dun sa pambata eh kaso sinita sila. Ako naman yung may kinokontrol para makuha ng stuffed toy. Sh*t Lang nakalimang beses akong try di pa rin ako nakakakuha. -__-

Mga ilang oras din ang lumipas nagyaya na silang mag-dinner sa paborito naming resto

Papasok pa lang kami ay tumakbo na akong cr dahil naiihi na ako. Pagkalabas ko ay may nabunggo ako.

"Sorry sir, di ko sinasadya di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi nung babaeng nakabungo sa akin. Pamilyar ang boses niya. Tinignan ko siya at tumingala siya para makita ang gwapo kong mukha. Nagulat naman ako na ang mukhang bumungad sa akin ay ang babaeng may di kalakihang mata, di gaanong matangos ang ilong at labi na tila laging nakanguso at namula ang matabang pisnge ng magtama ang mga mata namin. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng pinag-alayan ko ng pagmamahal ko. Ang babaeng kilos lalaki na walang arte sa katawan. Ang babaeng iniwan ako sa di malamang dahilan pero mahal mahal ko hanggang ngayon ay nasa harapan ko. S-si J-Jelli ?!

"Ah ayos lang " sabi ko in a cold tone. Ayoko muna iparamdam sa kanya na mahal ko pa rin siya.

"A-ah S-Sehun i-ikaw pala yan?!" utal utal na sabi nito.

"Sorry?!" Halos sabay naming sambit. "Ah kasalanan ko di ako tumitingin sa dinadaanan ko" paliwanag niya. "Ayos lang" walang emosyong sabi ko.

"Nandoon pala sila, tara sabay na tayo" sabay turo sa mga kasamahan namin.

Pagdating namin namin nakatutok ang mga mata nila sa amin. Tila nagulat ng makitang magkasama kami ni Sehun.

"Look who's coming?! " nakangiting sabi ni Kris.

"Oh saan nanggaling ang love birds?!" singit pa ni Laraine.

Namula naman si Jelli. "Nagc.r lang ako tapos nabunggo ko siya then pumunta na kami dito" paliwanag niya.

"Nagc.r lang din ako kasi naiihi na ako. Kain na tayo?! sabi ko na lang.

"Tara na ikaw lang naman hinihintay namin eh. Kanina pa ako nagugutom buti dumating ka na?! sabi ni Xiumin. Halatang gutom na nga. Daming kurot sa manok na inorder nila eh.

Habang kumakain kami di ko maiwasang di mapatingin kay Jelli. Umiinom lang siya ng juice at kumakain ng desert.

"Diet ka ba taba?! tanong ko sa kanya. Taba pa rin ang tawag ko sa kanya and I miss it so much.

Heart Beats.Where stories live. Discover now