Kinabukasan
Her Pov (Jelli)
"Jelli ?!" tawag nila Princess sa labas.
"Oh?!" sagot ko at nagpakita sa kanila.
"Tara na! " di makapaghintay tong mga to eh.
"Oo saglit lang di ko kayo i-treat dyan eh" pagbibiro ko pa.
"Joke lang. Eto nga hihintayin ka na namin eh" Si Laraine. Takot di mailibre eh.
"Oh sige. Tara na. Pahatid na lang tayo kay papa gamit yung van hanggang dun sa bayan." -Ako Tumango lang sila. Naka t-shirt at pantalon lang ako. Ganun din naman sila. Ganto lang kasi kami manamit. Simple lang.
"Nga pala guys baka mamaya di ako masyadong makasama sa inyo ah"Si Princess habang nakaupo na sa van.
"Bakit naman. Akala ko time natin to para sa isa't isa?" sabi ko na mukhang nagtatampo.
"Oo nga. Eh kasi sila Suho pupunta din doon kaya magde-date na din kami. Sorry guys ah. Pero habang wala pa siya sa inyo ang time ko." paliwanag niya. Ganyan naman yan eh. Uunahin pa si Suho kesa samin. Huehue
"Oh sige. Bahala ka" sabay sabay naming sagot.
"Sanay naman na kami laging si Suho kasama mo." singit ni Dazzle at umirap. Natawa naman kaming lahat.
His Pov (Sehun)
"Ano ready ka na ba pre?! " Si Suho.
"Oo. Tara na?! " sabi ko. Tagal na naming di nagawa to.
"Oo tara na! Ikaw na lang hinihintay namin oh?! habang kaparada sa harap ng bahay namin.
Palabas pa lang ako nang lumabas sila sa van para puntahan na ako.
"Antagal mo naman pre.Para kang babae sa bagal mo!" sabi ni Kai na umapir pa kay Baekhyun. Mga sira talaga.
"Eh malay ko bang gantong oras tayo aalis? Maliligo pa lang ako nung nagtext sakin si Lay na papunta na kayo dito eh." sabi ko. Tumango na lang sila at pumasok ng van.
Habang nasa van kanya kanyang trip ang ginagawa namin. Ako natutulog lang habang nagsa soundtrip.Si Suho naman nagda-drive. Si Kai, Baekhyun, Kris at Chen may pinapanood sa mga cp nila na pinapasa nila kay Kai. Mga nilulumot kasi mga utak. Si Chanyeol at Kyungsoo naman ay tahimik naman na katingin sa malayo habang nagsasound trip. Sila Xiumin at Luhan naman nagdadaldalan at kung minsan ay kumakanta ng malakas. At si Lay naman naglalaro ng games sa cellphone.
Nagstop naman kami sa isang gasoline station. Lumabas naman kami at yung iba nagc.r muna sandali. Ako naman inaantok pa at tinitignan na lang bawat sasakyan na dumadaan.
May nakita ako pamilyar na van na dumaan at huminto sandali sa tapat ng gas station dahil may nakahintong sasakyan sa harap nito na hinhintay makadaan ang kotse kakapa-gas lang. Dahil di naman masyadong makapal ang tint ng bintana ay nakita ko ang mga nasa loob. Mukhang masaya sila kasi yung isa kita na ngala ngala at yung iba parang wala ng bukas sa katatawa.
At may nakikita rin akong isang babae na sobrang pamilyar sakin. Isang babaeng may matabang pisnge, may di kalakihang mata at buhok na hanggang balikat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ang minsang minahal ko ng sobra at iniwan ako. Si Jelli..
Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa nakita ko. Umusad na ang sasakyan di pa rin ako makaimik. Di ko namalayan na tinatawag na pala nila ako. Di pa ako aalis kung di pa ako hilain ni Tao para sumakay ulit sa sasakyan.
"Pre bat tulala ka dyan?" tanong ni Baekhyun
"Para kang nakakita ng multo ah?!" sabi ni Tao. Napairap na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/32549011-288-k536212.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
Heart Beats.
Fiksi UmumMy heart only beats. When your near me. Your my life. Your the cure of any sadness in my life. But what if destinies makes way just to seperate us. I Love You. Yes I Do. And my hearts only beats with you. ** rikkimaemae 2/10/15