What dream was that?!

15 3 1
                                    

(PROLOGUE)

Noong unang panahon, Sa lugar ng Egypto Mesopotamia, kumpleto ang lahat ng uri ng libro, tinuturi nilang buhay ang mga ito, dahil dito naisusulat nila ang kanilang kasaysayan at naipapasa sa mga bagong henerasyon. ito din ang bansang nag pakalat ng paniniwalang "Reincarnation" na kung saan kapag namatay ka sa buhay na to, magkakaron ka ng bagong buhay ngunit ibang tao naman pero ang kaluluwa mo ay di nagbago. Kilala rin ang Egypto bilang isang malupit na bansa, mga sakim na paraon ang namumuno dito, lahat ng mga mahihirap ay ginawang alipin, at kahit ilang beses ka nilang saktan o gawan ng masamang bagay wala kang karapatang mag reklamo dahil isa ka lamang alipin, Lumipas ang ilang libong taon, iilan na lamang ang mga librong natira.

(Present day, Aug 29, 1991)

Bata pa lamang ako, may mga kakaiba na akong abilidad, tuwing gabi ay nanaginip ako na para bang nasa ibang katawan ako at ibang panahon, palagi akong pinahihirapan, at sa aking pag gising nararamdaman ko ang sakit ng aking katawan, at parang 'lagi akong nasa kalagitnaan ng Deja Vu, yung parang nangyare na ngunit nangyayare nanaman. dahil sa kakaisip natulala ako nang biglang

"ate Ky?!" sigaw sa akin ng aking kapatid na si James,
"ano nanaman ba?!" pabalang kong tanong sa kanya,
"camp daw tayo nila Heaven!" sagot nito sa'kin.


si Heaven ay isa sa aming mga kaibigan, sa katunayan madami kami. Ako, ang aking kapatid na si james, si ching at ang boyfriend nyang si kiefer, si timothy at ang girlfriend nyang si Qia, si Luhence at ang bebe nyang si Heaven, the rest ay sina nathalia, ashley, akio, at si samantha.

Nag kita-kita kami sa tapat ng aming bahay, at nang kumpleto na ang lahat, nag lakad na kami patungong Camp side, kumuha ng kahoy sina timothy at luhence para sa bonfire, bumili naman ng mga beer sina kiefer at james, at ako ang nagluluto para sa hapunan.

8:09 na ng gabi, nag simula kaming pumalibot sa bonfire at nag kwentuhan tsaka nag kantahan, napaka saya ng aming gabi, at nang malasing na sina kief, nagsimula na kaming pumasok sa kanya kanyang tent.

sa kalagitnaan ng aking pag tulog, nanaginip ako na tumayo daw ako sa aking kinahihigaan at naglakad sa gitna ng camp side kung saan puro puno lamang ang makikita, hanggang sa makarating ako sa isang kweba, dire-diretso lamang ako hanggang sa may makita akong libro, dinampot ko ito sa di malamang dahilan. at sa aking pag gising, hawak hawak ko ang libro.
nagulat ako dahil sa mga nangyayare, ngunit hindi ko ito sinabi sa mga kasama ko dahil alam kong pagtatawanan lamang nila ko, bubuksan ko na sana ang libro nang biglang pumasok sila samantha.

"uwi na daw tayo ky!!" sambit ni ching,
"ang aga naman kasi" pagmamaktol ni ash, umakbay si nathalia kay ash at sinabing "uwi na tayo dahil wala namang magagalit sayo, wala kang bebe diba?"
dahil sa sinabi ni nathalia nagtawanan kaming lahat
lumapit si qia saakin at binulong na kala mo naman sya may bebe HAHAHA dahilan para matawa pa kaming dalawa lalo.

Nang makauwi na kami, binuksan ko ang libro, "The book of slaves" laking gulat ko nang makita ang mga nasa libro, nanginig ako sa takot, pagkatapos nito, biglang may mga nakikita ako na hindi ko maipaliwanag kung ano.

May lalaking lumapit saakin at sinabunutan ako, kumuha sya ng mga bagay na hindi ko alam kung ano at tinorture ang katawan ko sumigaw ako ngunit walang nakakarinig, Hindi ko kilala ang mga taong to. tapos may lalakeng sumisigaw ng Anaphora at nakatingin ito sa mga mata ko, pinatay nila yung lalake at nang umiyak na ako biglang, naglaho ang mga nakikita ko at nagsisisigaw ako magisa sa aking kwarto, pumasok si james at sinabing "ate?! ayos ka lang?!"
nang matauhan na ako, huminga ako ng malalim, imahinasyon lang pala ang lahat, pero bakit nananakit ang katawan ko?

The Book of SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon