Farewell my good friends

9 2 0
                                    


Pinalipas ko ang 2 linggo, at nag plano ng susunod na hakbang, susunod sa libro ang tinatawag na Back breaking, ito ay ang pag paslang na kung saan walang dadaloy na dugo, at dahil nga dalawang linggo ko ito plinano.

Ang aking gagawin, iimbitahin ko ang lahat sa bahay nila Nathalia, doon lalagyan ko lahat ng pampatulog ang inumin, pipili ako ng tatlong uunahin.

- at the party,

"Akio!!" sigaw ni sam habang nakaakbay saamin ni ash,

"Hi mga panget!" pang aasar ni heaven

"Heaven! tara, tayo lang tao dito e" sambit ni qia

"Ah siguro alien ako," ngiting sinabi ni ash

"kami lang kasi may bebe" pang aasar ni qia

"HAHAHAHA!" tawanan naming lahat.

"hoy james?!" sigaw ko sa aking pangit na kapatid.

"Ano?" tanong ni james

inabutan ko ng pera si james, at sinabing "bumili kayo nila nat ng limang case," ngiting sinabi ko

"iba na talaga tong si ky!" pang aasar ni nathalia

Sa kalagitnaan ng aming pag sasaya, inilagay ko na ang pampatulog sa kanilang mga inumin, at nang mawala sa katinuaan sila luhence, nakita ko sila ni heaven na nakatulog na magkadikit ang kanilang mga labi, HAHAHA, pag ako talaga nainis uunahin ko tong may mga jowa : )

Nang makatulog ang lahat, nag pakita si anaphora, tinitigan ko ang aking mga kaibigan, mukang masaya sila, sana mapatawad nila ako, nilapitan ko si akio, luhence at nathalia pasensya na kayo, kitain nyo na lang ako sa impyerno.

Habang natutulog sila akio, binaluktot ko ang kanilang mga buto at binali ang kanilang leeg, 'Yon ang tinatawag na Back breaking, ang pag paslang ng walang tatagas na dugo, ngunit bago ko gawin yon nag suot ako ng gloves upang di magkaro'n ng finger prints ang mga hinawakan ko, nag iwan din ako ng mga marka na kunyare may ibang tao na pumasok sa bahay ni nathalia, nang mawalan ng buhay sila luhence, binali ko ang buto ko sa may kaliwang kamay ko, bukod don binali ko din ang ibang buto sa parte ng iba't ibang katawan ng aking mga kasama, lahat kami ay sinaktan ko upang di mahalata sa crime scene, nilagyan ko din ng pampatulog ang aking inumin, ininom ko ito upang mag mukang kasama ako sa mga nakatulog.

kinabukasan sa aking pag gising, may mga pulis at kami nila qia at samantha ang huling nagising sa lahat, nakita namin silang nag iiyakan, inalam namin ang dahilan, (oo nag papanggap akong walang alam.) at nang makita ko sila akio na walang buhay, umiyak ako, humagulgol ako sa pag iyak, ganoon din sila ash.

(kailangan talaga na mag mukang nag luluksa din ako sa mga nangyayare, upang matapos ko na ito, oo, nasasaktan parin ako, kaya pagtapos kong malaman ang totoo, may gagawin ako sa aking sarili.

makalipas ang dalawang araw, ibinurol na nga sina akio, luhence at nathalia.

"diba sabi mo gagawa pa tayo ng baby? diba sabi mo ikakasal pa tayo,ang daya mo naman luhence!" pagsusumahi ni heaven

"akala ko ba magkakabebe ka pa? sabi mo nga sakin sasagutin mo yung lima" pag iyak ni samantha habang nakatingin sa muka ni Akio,

"T*ngina, Bat naman ganto? sino bang may gawa nito, mag babayad sya! papatayin ko sya!" galit na sinabi ni Timothy

"una sila ching, tapos kayo?" iyak ni James

"ipaghihiganti namin kayo, hahanapin namin ang may gawa nito," ang sabi ni qia

"Hindi ako papayag na hayaan nating ganito, hanapin natin kung sino ang salarin ky!" sabi sakin ni heaven

Makalipas ang ilang araw, palagi kaming nagpupunta sa bahay nila ash, nag uusap usap kami kung sino nga ba talaga ang may gawa nito, at bakit kami ang kanilang habol.

"Alam ko ito, hindi nyo ba napapansin?" tanong ko sa kanila.

nag tinginan sila saakin.

"na ano ate?" tanong ni james

"Ang uri ng pag patay na ginagamit?" sagot ko.

"Ito ay uri ng Execution na nagmula sa mga Romano noong sinaunang panahon" banggit ni timothy

"Pinag aralan namin ito dati" sambit ko.

"Ngunit sino ang gumagawa?" tanong ni heaven.

Makalipas ang 3 linggo, hindi sila tumigil kakahanap saakin. HAHAHA habang plinaplano ko ang susunod kong gagawin.

Hindi ako makapag hintay na malaman ang totoo, pero sa ngayon hahayaan ko sila Ash na mag saya.

The Book of SlavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon