Ang kwentong ito ay kathang isip lamang.. ang mga pangyayari, lugar at pangalan ay gawa gawa lamang...
Nangyari ang kababalaghang ito sa bahay nila Bella kasama ang kanyang pinsan na si Gillan 4 taong gulang sa bahay ng kanyang tita sa parañaque.. Si Bella ay lumaki ng hindi nakasama ang kanyang mga magulang dahil hiwalay na ang mga ito. Ang kagandahan dito ay may kontak parin sya sa kanyang ina ngunit nasa ibang bansa na ito kasama ng kanyang kapatid na si Joanne.. May kanya kanyang buhay na ang mga ito at may kanya kanya naring pamilya kaya sa kanyang auntie Eleanor nakatira na itinuturing nyang ikalawang magulang. Tanghaling tapat abala siya sa pag e scroll sa facebook habang ang kanyang pinsan ay naglalaro ng kanyang manika na binili pa sa kanya ng kanyang ama noong sila ay mamasyal nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagpi facebook ng marinig nyang umaatungal ito mag isa na para bang meron itong kaaway.. Nung una ay hindi niya ito pinansin dahil abala ito sa kanyang cellphone, Pagkalipas ng ilang minuto ay muli nanaman itong umiiyak at binabanggit na nya ang pangalan ng kanyang kuya na si arjhay 8 taong gulang. Katulad nung una mas inuna nya pa ang kanyang cellphone. Noong una kasi ay buong akala ni Bella ay nag aasaran lang ang magkapatid. Ngunit sumagi sa kanyang isipan na pumasok si Arjhay at wala sa mga sandaling iyun. Pero sa huli ay hinayaan nyang muli si Gillan sa pag iyak, maya maya pa ay tumawag ang kanyang kaibigan sa messenger na nasa bansang brazil. Halos wala pang limang minuto silang nag kukwentuhan ng kanyang kaibigan ng umiiyak na tumatakbo sa kanya si Gillan at pilit na nagsusumiksik sa kanya sa habang nakahiga sa sofa at may kausap.. Dahil sa pagkairita ay tumayo siyang bigla at sinigawan niya si Gillan."Anu ba na naman yang iniiyak iyak mo dyan?para kang sinasapian eh!
Nung mga oras na iyun ay hindi pa nya naiisip na may nakikita na pala kanyang pinsan... Bigla nalang itinuro dito ang pinto sa kwarto kung saan siya malapit na naglalaro kanina. "Yung batang maitim! inaaway nya kasi ako! Pagkatpos ay iyak siya ng iyak at pilit nyang sinasabi na may bata raw na umaaway sa kanya..Pero ang nakapagtataka ay nakasubsob ang mukha nito sa sofa at hindi nya titignan ang dereksyon na kanyang tinuturo.. Takot na takot ito at kitang kita rito ang panginginig..
Ha?! ang ganda mo ha?!Anung bata? eh, yang tinuturo mo electrictfan eh.. Sinabi nya iyun kahit kinakabahan.. Nais lang naman nyang iapkita na hindi sya naniniwala sa kanyang sinasabi. Likas din kasi syang matatakutin.. At marami narin kasing insidente ang naganap sa bahay na iyun kaya't pilit nalang binabalewala ang nakikita nya.. Pagkatpos nun tumingin ito sa kanya at tinignan ang tinutukoy nitong electrictfan pero bigla na naman syang umiyak at tumalikod sa kanya.
"Hindi yung electrictfan yung sinasabi ko! Yung bata! tumakbo sa kwarto.. Ayun sya oh!
Dahil sa mga sinabi nito ay awtomtiko syang nabalot ng takot.. at piniling lumabas na lamang, kinarga nya ito at lumabas muna sila.. At hinintay nalang nila kanyang auntie na noo'y nagpapa order ng kanyang mga paninda.. Habang nasa labas sila ay tinanung nya ito kung totoo bang may nakikita syang bata? At paano niyang nasabi na inaaway sya neto? Ang kwento nito sa kanya, may tumabi raw bigla sa kanya na batang maiitim ang balat.. babae raw ito at pilit na inaagaw ang kanyang laruan.. nung hindi daw nya binigay ito ay sinabunutan daw siya at tumakbo sa kwarto.. Habang nag uusap sila ay hindi nya maiwasan na kilabutan.. Imposible rin naman na pag sinungalingan sya at gagawa ng ganoong katatakutang kwento ang bata nyang pinsan.. Imposible rin na hindi nya mapansin kung may pumasok man sa kanilang bahay dahil kung tutuusin ay naka locked naman iyun.. Kung may nakapasok man ay pagbubuksan nya muna.. Nag kwento pa ito na ang tinutukoy nyang bata ay nakatira sa ilalim ng kanilang kama. Doon daw ito palaging lumulusot.. Mas lalo pa syang kinilabutan dahil wala naman ilalim ang kanilang kama.. Hindi nya alam kung ang batang sinasabi neto ay ang batang madalas nyang kalaro sa tuwing sya ay mag isa.. Minsan kasi napapansin at nakikita nya para syang may kalaro kahit na wala naman syang kasama.. Madqalas din syang may kausap na hindi naman nito nakikita.. Hnaggang sa mga sandaling iyun ay naririnig at nakikita nya parin itong nagsasalita mag isa... kahit sa katunayan ay wala naman syang kalaro...
wakas..