ang susunod ko namang ibanahagi ay mismong karanasan ng pinsan ko. eto ay nangyari nung panahon na buhay pa ang nanay ng mama ko.. Ang lugar na eto ay ibang iba dati sa ngayon ang mga bahay noon ay hindi pa dikit dikit na marami pang bahagi ang bakante may mga lugar pa nga doon na kangkungan pa. ang ibang bahagi naman ay may mga tanim na gabe.. Minsan ay nagkayayaan silang na pumunta sa bahay ng kaibigan ang bungad neto agad sa kanya ay kung gusto ba daw nya maka kita ng duwende natawa naman ang pinsan ko kanya ng marinig nya iyun dahil inakala nyanv niloloko lang sya neto.. nang pumunta sila sa bahay neto ay naroon na pala ang iba pa nilang kaibigan at hinihintay na sila napansin kung sabik na sabik ang mga eto sa sinasabing duwende ng kaibiga nila..di nagtagal ay may napansin silang liwanag na lumusot sa siwang.. sa mahinang tinig ay sinabi ng kanilang kaibigan na nariyan na raw ang mga duwende bahagya nyang ibinukas ang kanilang bintana mga ilang pulgada lang pagsilip nga nila ay nakita nga nila ang mga duwendeng sinasabi neto na sa tansya niya ay limang pulgada lang sila kaliit. mayroon pa silang suot na makukulay na damit at suot na sumbrero katulad ng ipinapakita sa mga palabas pero hindi makita bg malinaw ang kanilang mga mukha ang napansin nya noon ay masasaya sila na para bang naglalaro.. ang sumunod nyang karanasan ay sa parehas na lugar pa rin ang totoo nga kahit ako ay hindi rin makapaniwala na mayroon din palang mga ganun sa maynila ang buong akala ko ay sa mga probinsya lang nangyayari yung mga ganung bagay. may kapot silang mag asawa at mayroon silang tatlong anak na puro lalaki kasama din nila sa bahay ang isang matandang babae na nanay ng lalaki, payat yung matanda at puti na lahat ng kanyang buhok matanda na talaga eto. Ang nakakapagtaka ay malakas pa siya, minsan ay meron silang kapit bahay na namatay habang naglalamay sila at naglalaro ng baraha ay narinig niyang nagsalita yung isa nilang kapit bahay na naroon din na nakikipag lamay ay kanyang binanggit ang katagang sibul ng paulit paulit. natatandaan neto na pag binabanggit ang katagang iyun ay mayroong aswang sa paligid. Bale sinsabi nila iyun ng paulit paulit bilang pangontra sa aswang
kaya nilapitan nya yung kapit bahay nyang iyun na nagbigkas ng katagang iyun at nagtanung ako sa kanya kung bakit? Sinabi nya daw na may aswang ng muli nya etong tanungin kung nasaan ay nag atubili na etong sabihin sa kanya. Ngunit ng igala nya ang kanyang paningin ay nakita nya ang matanda na nakasilip sa kanilang bintana na nakatayo ang mga buhok neto at namumula ang mga mata na nakatingin eto doon sa ataul kung saan nakahimlay yung kapit bahay nyang namatay. Halos magkatabi lang kasi yung bahay ng matanda at nung chapel na pinaglalagakan nung namatay parang halos isang dipa lang mahigit. kinilabutan talaga sya ng husto ng mga sandaling iyun. Makalipas ang ilang araw matapos na mailibing yung kapit bahay nilang namatay ay nakita nya yung matanda sa kanilang bubungan na nagwawalis ng tanghaling tapat tirik na tirik yung araw at wala iyung anumang sapin sa kanyang paa sa pagtataka nya kung paano nya yun nagagawang makatagal gaanung klaseng init na walang anumang sapin sa paa? ay kanya pa ngang hinubad ang kanyang tsinelas at itinapak sa semento at agad syang napaso dahil napaka init noon kaya nagtaka talaga sya kung paano nagagawa iyun ng matanda?! Ang isa pang nakakapagtaka ay nang may nakita syang may nahulog sa bubong ng mapatingin ulit sya doon sa bagay na nahulog parang yun isang holen kata mabilis nya etong pinuntahan kung saan iyun bumagsak, ng malapit na eto ay nakita nyang parang nga iyung isang holen na kulay itim. Itim na itim talaga ang kulay neto. Nang dadamputin na nya eto ay nagulat sya ng makita nya ang isang kulubot na kamay na nauna pang dumampot kaysa sa kanya. At ng iangat nya ang kanyang ay nakita nya ang matanda at galit na galit ang mukha neto na nakatitig sa kanya. Sa takot nya ay napatakbo sya. Makaraan ang ilang buwan matapos mangyari iyon ay nakita nyang mayroong kumosyon na nagtatakbuhan ang ilan sa kanyang mga kaibigan kung kaya sumunod rin eto. Nag eto sa kanila kung saan sila pupunta? Sinabi ng mga eto sa kanya na naghihingalo na yung manugang ng matanda kaya nakisiksik eto doon at nakikisilip. Ang daming tao na nakiki usyoso doon sa bawat gilid ng kanilang bahay na iyun at sa siwang ng kanilang dingding ay kitang kita neto na may gumulong sa banig na mabilis iyung dinampot ng matanda. Hindi sya maaring magkamali yun yung parang holen na kulay itim na nakita nya nung nag daang araw. At di nagtagal ay narinig nila ang malalim na paghinga ng babae at tuluyan na ngang namatay ito. Usap usapan iyun sa aming lugar na hindi umano kinaya ng manugang nito yung kanyang isinalin kung kaya ikinamatay nito iyun. hanggang dito nalang muna at marami pa syang ibabahaging kwento sa akin pra maisulat ko dito.. thank you sa pagbasa.