Ang nilalang sa lumang balon

14 0 0
                                    

Bata pa ang gabi kaya maingay parin sa labas gawa ng mga tambay, may nagpapatugtog sa motor may nagtitinda ng kalamres, may mga bata pang naglalaro, sa lahat ng bata sa labas na naglalaro si anton lang ang nag iisang tahimik wala syang kalaro dahil pipi sya madalas din itong tampulan ng tukso dahil sa kapansanan nya bagamat laging dumadanas ng pangungutya sa labas ay hindi parin sya nagsasawang gumala. at ang naglalaro mag isa pero ang pangunahing kinahuhumalingan ni anton, ay ang manilip. sa mga bahay bahay, nakaugalian na nyang manilip at mambuso. Isang bahay ang kanyang nadaanan gawa ito sa pinagtagpi tagping yero. su,ilip sya roon at nakita nya ang mag asawang naglalampungan at naghahalikan sa loob, bahagya pa syang nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang naghubad ng damit ang babae.at pumatong dito ang nakahubad din na lalake. Sa takot na mahuli si anton ay kaagad din nman umalis si anton at sa ibang bahay naman sya sumilip. karamihan sa mg bahay dito ay gawa sa mga kawayan at recycle na yero. laki sa hirap ang mga taga san simon at sanay narin sa mga butas ng kanilang mga bahay. kaya hindi nauubusn si anton ng sisinilipang bahay. at sa sumunod na bahay naman sya sumilip at isang babaeng nasa loob ang nanunuod ng telebisyon.. wala naman kakaiba sa ginagawa nito kaya agad naman itong umalis..napagod na sya paglalakad kaya minabuti na lamang nyang umuwi, dumaan sya sa deretsong lupa na pinalilibutan ng matataas na damo sa paligid. iyun ang daan pauwi sa bahay nila anton. Sa di kalyuan ay nakakita sya ng isang malaking asong itim. at pulang pula ang mga mata neto kagat kagat nito ang damit ng isang sanggol na tila bagong silang palang...huminto ito sa tapat ng balon. agad naman naghanap ng mapag tataguan si anton at muling sumilip sa mga kaganapan at nakita kung paanung nagbago ng anyo ang isang aso. na naging tao ito, pero mukhang hayup parin. meron itong matutulis at mahahabang kuko. Ang sanggol na dala ng nilalang ay inihulog nito sa balon atsaka ito kumaripas ng takbo. Napaka bilis ng nilalang na ito sa loob lamang ng ilang segundo ay nawala ito sa kanyang paningin. Sa takot nya ay nagmadali na itong lumabas sa kanyang pinagkukublihan at tumakbo pauwi ng bahay. Pagkalipas ng dalawampung taon malaki na si anton bente otso anyo na ito at nagtatrabaho bilang tricycle driver sa kanilang lugar at hindi narin lingid sa mga tao roon ang kanyang kapansanan kaya lahat ng taong sumasakay sa kanya ay sumesenyas na lamang para sa mga mahalagang detalyeng ng lugar na pupuntahan kabisado narin naman ni Anton ang buong lugar pai ang mga senyas ng mga ito.. Kaya hindi na sila nahihirapan makipag communicate sa mga pasahero nya. Sa loob ng maraming taon na lumipas ay maraming nagbago sa lugar nila kung tawagin ay San Simon. Ang dating lugar na kilala sa mga bahay na yari sa mga kawayan at yero ay puro sementado na nagyon at may mga malalaking gusali na rin at pamilihan.. Ang madamong lupa na napapaligiran ng matataas na damo kung saan ang daan pauwi ni Anton ay sementado narin ang hindi lang nawala sa bahaging iyon ay ang balon na matagal na hindi ginagamit katunayan maraming hindi lumalapit lumalapit dito, marami na kasing namatay sa balon na iyon habang isinasagawa ang pag sesemento sa lupain ay maraming manggagawa ang nakakarinig ng kakaibang tinig mula sa balon na iyon para itong isang hayop o aso na kumukulo ang boses, para itong humihinga ng malalim . Marami narin ang nahulog dito hinala ng marami kinukuha daw ng hindi makitang nilalang. Wala naman makapag sabi kung anung uri ng nilalang impakto ang ang nanahanan sa ilalim ng balon, wala rin naman ang naglakas loob upang pasukin ang ilalim ng balon. Alam rin naman ni Anton ang tungkol doon. Lingid sa kaalaman ng lahat ay siya lang ang nakaalam kung anung uri ng nilalang ang naninirahan dito. Dahil siya mismo ang nakasaksi sa isang pangyayari noong bata pa siya.. Sa tuwing may mababalitaan siyang nawawala o namamatay sa balon ay naaalala niya ang aswang na naging tao at naghulog ng sanggol sa balon. Sigurado siya na ang sanggol na namumugad mismong balon. Sanggol na anak ng aswang. Dahil sa kapansanan ni Anton hindi niya kayang ibahagi sa iba ang kanyang mga nalalaman tungkol sa balon. Tuwing gabi humihinto sa pamamasada si Anton pagka garahe nya ng kanyang minamanihong tricycle ay agad naman syang pumapasok sa kanilang bahay at nagmano sa ina inahan nyang si Aling Lupe. Ampon lamang si Anton kinukopkop siya ni Aling Lupe mula pa noong siya ay sanggol, hindi na niya nakilala ang kanyang mga magulang dahil ayun kay Aling Lupe ay natagpuan siya nito malapit sa tabi ng basurahan. Wala narin naman ineres si Anton na makilala pa ang tunay niyang mga magulang lalo sa ginawa ng mga ito na pag tapon sa kanya sa basurahan, masaya na siya sa kanyang buhay ngayon sa piling ni Aling Lupe. hindi nag asawa dahil baog ito bagamat nagkaroon din ito ng ilang nobyo noon. Mabuti nalang at natagpuan sya nito kaya hindi tumanda mag isa ang Ale. Kahit papaano ay may kasama ito sa pag tanda. Isang umaga iyun ng bumili si Anton ng pandesal para sa almusal nilang mag ina, wala pang gaanong tao noon kaya mag isa lang siyang naglalakad patungo sa kanila, ng madaanan niya ang balon napalunok siya ng laway sa nakita may mga bakas ng dugo sa sementadong lupa patungo iyon sa balon parang may taong kinalakad doon at inihulog sa balon dahil umaga narin naman ay hindi siya natakot lumapit at dumungaw sa balon at bahagya pa niyang inilapit ang kanyang mukha pinairamdaman nya kung may ingay bang lalabas mula rito. Isang mahabang dila ang biglang umahon doon at mabilis na pumulupot sa kanyang leeg, halos hindi siya makahinga at lalong hindi rin sya makasigaw dahil wala pang tao sa paligid wala rin naka kita sa kanya ng lamunin siya ng balon. Kung gaano katagal na walang malay si Anton ay hindi niya alam nagising nalang sya sa kailaliman ng lupa na maraming lagusan, hindi agad sya nka kilos dahil sa sakit at kirot ng katawan ramdam nyang may sugat sya sa braso at tuhod mukhang malakas ang kanyang pagkakabagsak. Sinubukan niyang tumayo ngunit sumakit ang kanyang ulo kinapa nya iyun doon nya napagtantong may sugat sya sa noo at nagdudugo pa. nang tuluyang syang nakatayo ay isang malagim na eksena ang bumungad sa kanyang harapan. Isang nilalang na mabalihibo ang katawan may matutulis na kuko at matatalim na panggil. Mayroon itong mapupula at bilugang mata at mahaba ang bibig na parang hayop at buntot.
kasalukuyan nitong nilalantakan ang lalaking taga roon din sa kanila marahil ay dito rin galing ang mga bakas ng dugo na nakita nya kanina. nasindak si Anton ng masilayan ang nilalang kamukha nito ang aswang na nagtapon ng sanggol sa balon. Ito na marahil ang sanggol na itinapon doon. Malaki na ito mabagsik at masiba sa laman ang aswang. Ngunit higit na naiiba ang aswang na ito dahil sa lalim ng hukay sa balon na iyon hindi na naabot ng sikat ng sinag ng araw kalat na kalat ang dilim sa paligid. Kaya nagagawa ng aswang magbago ng anyo anumang oras at sa pagkakataon ring iyun kita nya sa paligid ang mga bangkay na halos wala ng laman sa katawan ang ang ilan ay kalansay na.. Napasulyap sa kanya ang aswang ngunit agad din naman ibinalik ang paningin sa kanyang kinakain. Kahit hindi nakakapag salita si Anton nababasa nyang sa anyo ng nilalang na ito na ayaw syang atakihin kahit gising na sya dahil batid nitong wala narin naman syang matatakbutan. Sinubukan nyang sumigaw o lumikha ng ingay pilit nyang makabuo ng salita nag babaksakaling may makarinig sa kanya mula sa ibabaw ng balon.
Nairita ang aswang kanya kaya tumayo ito at inuiwan ang bangkay na halos kalahati na ang nauubos sa katawan lumapit ang aswang kay Anton at sinakal ang kanyang leeg nilabas pa nito ang dilang nababalutan ng malapot na laway humaba ito at dumikit sa kanyang noo kung saan may sugat. Hindi papayag si Anton na mamatay doon, gaya ng ibang biktima humanap sya ng ibang pagkakataon para labanan ang aswang sinubukan nyang hawakan ang dila nito at binuhol dahil doon ay nawala ang pagkakasakal nito, doon sya nagkaroon ng pagkakataon na suntukin ang aswang hanggang sa matumba ibinuhos nito ang kanyang lakas hindi niya ito tinigilan hanggat hindi nagdudugo ang mukha nito. Gumanti ang aswang at kinalmot sya nito sa mukha. Nagtamo ng mahahabang sugat sa mukha si Anton sa magkabilang pisngi tiniis nito ang hapdi upang lumaban sa nilalang. Naalala nya ang kwintas na krus na palagi nyang nilalagay sa kanyang bulsa. Sinubukan iyun kapain sa bulsa hindi nya kas ito sinusuot dahil sa totoo ay may tampo siya sa diyos, kung bakit pagiging pipi ang ibinigay na buhay sa kanya nagagalit naman ang kanyang ina inahan kapag hindi nya ito isinusuot madalas ay ibinubulsa lmang nya ito at isinusuot laman iyun sa tuwing umuuwi na sya. Ngunit hindi nya inaakalang magagamit nya ito sa pagkakataong iyun sinamantala nya ang panghihina ng aswang dahil sa pagka putol ng dila. Doon nya naisuot sa leeg ang kwintas lalo itong nagwala at biglang umusok ang leeg para bang napapaso ito sa kwintas. Sindak na sindak si Anton ng masilayan kung paano nagliyab ang katawan ng asawang hanggang sa unti unting nalusaw hanggang sa naging abu nalamang ito.

Nanigas sya kintatayuan at namayani ang labis na kilabot nito sa katawan may ilang minuto syang natulala sa bakas na iniwan ng nasunog na aswang ng matauhan tsaka palang pumasok sa kanyang isipan kung paano makakaahon sa lugar na iyon. at muli syang tumanaw sa ibabaw ng balon at lumilikha ng ingay kahit alam nyang pipi sya ay sinubukan nyang makabuo ng salita at ginawa nya lahat ng kanyang makakaya para makapag salita. Subalit puro ungol at mmaikling sigaw lang ang nagawa nya at kahit maikling salita ay hindi sya makabuo nanlumo sya at napaluhod nalang sa lupa habang nawawalan ng pag asa. Nararamdaman nyang tumulo ang kanyang luha habang nakatanaw sa ibabaw ng balon, npatay nga nya nag aswang na sumsalot sa kanilang lugar nakulong naman sya nagyon sa lugar nito. Hindi naman nito alam kung paano makakabalik sa taas ng balon medyo malalim ang hukay nito halos wala talagang liwanawanag na pumapasok dito kaya malabong may maka kita pa sa kanya. Isa pa dahil narin sa kinakatakutan ang balon na ito ay wala rin nagtatangkang lumapit dito.
Napaiyaknarin si Anton at pinagsusuntok ito ang lupa mukhang sya naman ang pumalit sa nilalang na namumugad doon doon. Pagkalipas ng ilang linggo nagtaka ang mga taong napapadaan malapit sa balon dahil sa naririnig namumunting ingay na bago sa kanilang pandinig, kung dati ay boses mabasngis na ngayon isang animong boses na umuungol at umiiyak...

wakas...

ElementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon