Biyernes Santo

15 0 0
                                    

Ang kwentong aking ibabahagi ay gawa lamang ng aking malikot na imahinasyon. Ang mga lugar na aking ginamit at pangalan ay gawa gawa lamang...

     Sa pag sapit ng holy week ay naisipan mag gala ng apat na magbabarakda sa baryo ng Sulang. Dito ay matatagpuan ang bukal na nakakapagpagaling umano ng ibat ibang uri ng sakit.. Puno ng milagro ang lugar kung nasaan ang bukal. Tuwing semana santa ay lumilitaw ang imahe ng mga santo, ang sinu mang uminum o kahit isawsaw lang sa tubig ang kanilang kamay sa tubig ay tiyak na gagaling mula sa dinadalang karamdaman. Marami narin ang nakapagpatunay sa pagmimilagro ng bukal kung kaya ay tuwing mahal na araw ay dinarayo ito at pinagkakaguluhan kahit walang sakit ay pumupunta narin nag aalay ng bulaklak at panalangin nagbabakasaling makatanggap din ng biyaya... Isa na dito si Danna na kanina pa kabado sa loob ng kanilang kotse at napaansin ito ng kanyang kaibigan na si Andoy. At tinanung nya ito..

   Okay ka lang ba?
   Medyo kabado lang..

hindi maiwasang magduda ni Danna sa milagrosang bukal tumitindi ang kanyang karamdaman. Ayun sa kanyang doctor ay wala na syang pag asa para gamutin. Tinanung ulit sya ng kaibigan nya.

friend bakit ka nman kabado?
eh alam mo naman na mahirap maniwala sa mga ganyang milagro. Napilitan lang naman akong sumama dahil sa sakit kung ito. Tsaka kinakabahan ako baka walang epekto saken tong milagrong ito.
Anu kaba naman hwag kang mag isip ng ganyan baka lalo pang lumala yang sakit mo eh"..

Inilapit ng kaibigan nito ang balikat sa ulo ni Danna sabay yakap dito at sinabing.. "maniwala ka lang at gagaling ka! dugtong pa niya "anuman mangyari nandito lang ako palagi para sayo..
  Nagpsalamat naman si Danna sa pagpapalakas ng kanyang loob kahit sa isip nya ay nag aalala sya.. hindi sya nakakasiguro kung mapapagaling sya ng bukal. Pasado ala una ng hapon ng makarating sila sa lugar. naghanap muna sila ng kanilang makakainan at pagsapit nila sa karinderyang nakita ay agad naman syang umorder sa tindera ng anim na kanin at 4 na ulam. Tinanong siya ni Ashley kung bakit anim na kanin ang kanyang order.. sabi nya dito ay extra rice daw nya yung iba.. kasi hindi daw sya nakapag almusal sa bahay bago sila umalis kaya sobrang gutom daw nya.. "Anu kaba ang siba mo talaga Andoy kaya dina mapiglan yang pag lobo ng katawan mo eh!

     "Hayaan muna hindi kasi tayo kumain bago umalis.. tumatawang sagot naman ni Theo...
Pagkatapos kumain at magbayad ay sinimulan na nilang maglakad patungo sa tulay papasok sa baryo ng Sulang sa di kalayuan ay matatanaw na nila ang bukal. Bilang nalang ang mga naririto at bago pa sila tuluyang makalapit dito. Isang lalaki ang lumapit sa kanila.

     "Dayo rin ba kayo dito? "opo, mabilis na sagot ni Danna.. "Ngayon palang ba kayo nakapunta dito? muling tanong lalaki sa kanila.. "Opo, medyo naipit po kami sa traffic eh!
bakit ngayon pa?bkit hindi kahapon o nung isang araw? Hindi ngayong biyernes santo...

Nagkatinginan ang magbabarkada... "Ah ganun po ba? eh, bakit naman po?
Wala ba kayong alam sa lugar na'to? tila na blanko naman ang kanilang mga isipan sa dahil sa tanung ng lalaki. Lahat yun sila ay pawang nagtataka dahil sa impormasyon na pwedeng sabihin ng lalaki...
    "Anu ba naman kayo?! dapat ay nagsasaliksik muna kayo para sa lugar na hindi nyio alam.. dito kasi tuwing papa
tak ang alas tres  ng hapon lahat ng tao dito ay nagpapalit ng anyo! Nagpapatayan sila at lahat ng nilalang na makikita ay kinakain nila kahit buhay.. "ha?! Anu po?! pilit na kinakalma ni Danna ang sarili.. Dahil sa kanyang karamdaman... ayaw nyang dapuan ng takot dahil baka makasama lang sa kanya... Sabi pa ng lalaki delikado ang baryo ng Sulang tuwing biyernes santo, kahit pa mga alagad ng batas ay hindi nagpupunta dito, kaya kung ako sa inyo ay bilisan nyo na ang pakay sa bukal h'wag na ninyong hintayin pumatak pa ang alas tres at baka sa linggo na kayo makaalis... Kinabahan silang magbabarkada  dahil sa mga nalaman nilang iyun...Pahabol pa ng lalaki, bago sya tuluyang lumayo sa luagr na iyun; O baka hindi na kayo maka alis!

ElementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon